Friday , November 15 2024

BAWD umalma sa upfront fee

MARIING tinututulan ng Bulacan Association of Water Districts (BAWD) ang hinihingi ng Bulacan Government na P350 milyon bilang upfront fee o paunang bayad sa mananalong bidder para sa bulk water.

Bukod sa upfront fee, kailangan din magbigay ng taunang bayad na isang porsiyento mula sa gross annual revenue ang mananalong bidder.

Ang nasabing mga kondisyon ay nakasaad sa Sangguniang Panlalawigan Resolution 011-T 15 na tinawag na “Isang Kapasyahang Nagtatakda ng Panuntunan at Kondisyon para sa pagpapagamit ng water right sa lalawigan ng Bulacan sa panukalang Bulacan Bulk Water Supply Project.”

Nakasaad din sa resolusyon na maaaring hulugan nang dalawang beses ang upfront fee at ang singil sa tubig ay dapat na mas mababa ng P5 kompara sa water rate sa Metro Manila.

Bunsod nito, nangangamba ang mga water district official na magbubunga ng higher bulk water charge ang nasabing kondisyon na sa kalaunan ay kailangang balikatin ng mga consumer.

Dahil dito, umaapela ang BAWD sa MWSS na sana ay alisin ang mga naturang probisyon sa lahat ng bidding documents, financial assumptions, written agreements at kahalintulad na dokumento sa Bulacan Bulk Water Supply Project.

About Jethro Sinocruz

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *