CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang limang sundalo makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Brgy. Pagan, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa.
Ito’y makaraang magsagawa ng normal combat operations ang tropa ng 403rd IB, Philippine Army, sa nasabing lalawigan.
Inihayag ni 403rd IB commander Lt. Col. Jesse Alvarez, madaling naka-manuever ang kanilang puwersa laban sa hindi matukoy na bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naging dahilan ng ilang minutong enkwentro.
Mabilis na isinugod ang mga sugatang sundalo sakay ng helicopter sa army hospital na nakabase sa Panacan, Davao City.
Hindi pa makompirma ni Alvarez kung mayroong sugatan sa panig ng mga rebelde.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pursuit operation ng militar at katuwang ang puwersa ng pulisya laban sa tumakas na mga NPA makaraan ang IED explosions.