Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serg inggit na inggit kay Chiz

EDITORIAL logo

TINAWAG ni Sen. Serg Osmeña na isang uri ng gimik ang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang kanilang partido ni Sen. Grace Poe para 2016 presidential elections ay tatawaging  “Partido Pilipinas.”

Kung titingnan mong mabuti, may punto naman talaga si Osmena sa kanyang puna kay Chiz dahil wala naman talagang matatawag na “Partido Pilipinas” maliban sa LP, NP, UNA, PDP-Laban at iba pang political party na estabilisado at pormal na kinikilala ng Comelec.

Ang sinabi ni Escudero na “Partido Pilipinas” ay masasabing isang propaganda o slogan, at matatawag na isang pambo-bola sa taumbayan.  Walang saysay dahil sa hindi naman reshistrado sa Comelec ang “Partido Pilipinas.”

Pero ano naman kaya ang motibo ni Osmeña at bakit napakabilis nitong punahin si Escudero? Simple lang naman ang sagot… e, di inggit.  Sa kabila kasi ng  pagiging malapit ng dalawang senador kay Poe, mukhang nabaling nang husto ang pansin kay Escudero at nakalimutan na si Osmeña.

Hindi rin kaya ang pagkakahirang ni Escudero bilang bise presidente ni Poe ang dahilan kaya nagmamarakulyo si Osmeña?  Sa mga inaasal nitong si Osmeña, hindi lamang niya inilalagay sa kahihiyan kundi pinabababa pa niya ang kanyang sarili.  Nakatatakot ang inggit dahil marami na ang namatay diyan lalo na kapag biglang inatake sa puso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …