Friday , November 15 2024

Roxas-Robredo 2016 takes off

“RORO” para sa “Roxas-Robredo” ang naging bansag sa umuugong na tandem ni Mar Roxas at Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo, na pormal nang inalok maging vice presidential candidate ng Daang Matuwid ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa darating na Halalan 2016.

Nagtungo sa Naga City si Roxas upang pormal na kausapin si Robredo, na sa ngayon ay pag-iisipan pa ang naging alok dahil sa agam-agam ng kanyang mga anak sa pagtakbo niya sa mas mataas na posisyon.

Inilunsad naman ang “Jump with Leni” hashtag ng mga netizens na pagtugon sa paghihikayat ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda para ipakita sa mga Robredo na hindi sila nag-iisa sa bagong hamon at nag-trending din ang “Leni Robredo” sa social media.

Ang isang Facebook page na tinawag na “Leni Robredo for VP” ay umani ng halos 30,000 likes mula nang inilunsad ito noong nakaraang Biyernes. Tila mas naging mainit ang pagtanggap kay Robredo ng mga tagasuporta nila PNoy at Roxas kaysa noong si Senador Grace Poe pa ang kinakausap para maging running mate ng huli.

Tumanggi si Poe na manatili sa Daang Matuwid at nakipagtambalan kay Senador Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Harvey Keh, convenor ng Kaya Natin, isang grupong adhikain ang good governance ay “Tunay na Tuwid na Daan” sina Roxas at Robredo.

“Both of them are leaders who are matino, mahusay at may puso,” ani Keh.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *