Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manyakis na madrasto arestado (11-anyos pinasubo ng ari)

KULONG ang isang manyakis na stepfather makaraang ipasubo ang kanyang ari sa 11-anyos dalagitang kanyang anak-anakan kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Renwold Alvarez Panhilason, 50, pintor, residente ng Block 33, Lot 22, Phase 2, Area 2, North Bay Boulevard South, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse).

Batay sa ulat ni SPO2 Arlene Alvero, dakong 11 p.m. nang maganap ang pang-aabuso ng suspek sa biktimang itinago sa pangalang Mariel, mag-aaral ng Kapitbahayan Elementary School.

Salaysay ng biktima sa pulisya, dumating ang lasing na suspek at nang malaman na wala ang kanyang ina ay bigla na lamang siyang tinabihan.

Sa puntong ito, biglang inilabas ng suspek ang kanyang ari at sapilitang ipinasubo sa biktima.

Pagkaraan ay nagbanta ang suspek na huwag magsusumbong ang biktima kundi ay may masamang mangyayari sa kanilang mag-ina.

Gayonman, humingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay na siyang nagsumbong sa barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …