Friday , November 15 2024

Branch manager ng Koop naglason bago nagbigti

VIGAN CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang branch manager ng kooperatiba na uminom ng insecticide bago nagbigti sa probinsiya ng Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Raymond Manzano, 30, residente ng Sitio Bariquir, Brgy. Balingaoan, Candon City, branch manager ng Sacret Heart Savings Cooperative na nakabase sa San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon kay Supt. Richmon Tadina, hepe ng Candon city police station, kukuha sana ng gagamiting pangposte sa ginagawang kubo para sa burol si Richard Maranion nang makitang nakabitin sa ilalim ng puno ng madre de cacao ang biktima gamit ang pump belt.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng krimen ang isang bote ng Brodan insecticide, na ginagamit sa pang-spray ng mga peste at oud sa mga pananim.

Bago ang pagpapatiwakal ni Manzano, nakita ni John Paul Gacusan ang biktima sa beranda ng bahay ng kanyang tiyuhin na hawak ang nasabing insecticide.

Patuloy ang imbestigasyon ng Candon city police station hinggi sa insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *