Biguin ang private army ng mga politiko
Hataw
September 16, 2015
Opinion
KAPAG dumarating ang panahon ng eleksiyon, isa sa mga problemang madalas na kinakaharap ng taumbayan ang malaganap na private army na ikinakanlong ng mga tiwaling politiko.
Ang problema sa private army ay hi-git na malubha kung ikokompara sa problema ng vote buying at iba pang anyo ng pandaraya ng mga politiko sa araw mismo ng halalan.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, sa mga liblib na mga lalawigan, ang mga private army ay malaganap pa rin na pinatatakbo ng mga maimpluwensiya at traditional politicians.
Hindi biro ang problema sa private army o private armed groups. Sila ang gumagawa ng mga pananakot , intimidasyon at kung minsan ay pagpatay sa mga botante na hindi sumusuporta sa mga politikong kanilang pinagsisilbihan.
Armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga private army na ibinibigay ng mga tiwaling politiko na ayaw magpatalo kapag dumarating ang araw ng halalan.
Isang malaking pagsubok sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung papaano lalansagin ang mga private army na kasalukuyang minaman-tina ng mga makapangyarihang politiko sa mga lalalwigan.
Magiging matagumpay ang darating na 2016 elections kung magtulong-tulong ang lahat ng mga kinauukulan tulad ng civil society, media organizations, netizens at elections watch dog para biguin ang mga politikong nagmamantina ng kani-kanilang private armed groups.