Friday , November 15 2024

3 sundalong rapist ng Lumad isasalang sa court martial

INIREKOMENDA ng Civil Military Office ng 10th Infantry Battalion na isailalim sa court martial proceedings ang tatlong sundalo na gumahasa ng isang 14-anyos dalagitang Lumad sa Davao del Norte.

Pinatawan na rin ng preventive suspension ang tatlong sundalo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Una rito, nagsumbong ang biktima sa mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsagawa ng rescue operation sa mga Lumad, hinggil sa  pang-aabuso ng tatlong sundalo.

Habang nagtipon-tipon ang mga babaeng Lumad sa labas ng Eastern Mindanao Command sa Panacan, Davao City para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa mga sundalo at ipinanawagan ang paghingi ng hustisya para sa biktima.

Sinasabing aabot na sa limang kaso ng rape ang naitala sa Davao region na kinasangkutan ng mga sundalo.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *