Sunday , December 22 2024

Walang ebidensiya vs JPE — prosekusyon

AMINADO ang prosekusyon na wala silang direktang ebidensya laban kay Sen. Juan Ponce Enrile kaugnay sa pagtanggap ng kickback mula sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Sa ginanap na oral summation para sa petition to post bail ni Janet Lim-Napoles sa Sandiganbayan Third Division, tinanong ni Associate Justice Samuel Martires ang prosecution panel kung pagkalipas ng isang taon ng pagdinig ay may patunay o ebidensya silang maipakikita na may natanggap na kickbacks si Enrile, sagot ni Prosecutor Edwin Gomez, sa ngayon ay wala pa para sa bail hearing.

Habang tinanong ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, ang prosekusyon kung tama ba para sa korte na ibasura ang kaso laban kay Enrile kung walang patunay na tumanggap siya ng kickbacks, sagot ng prosekusyon ay “yes”.

Ngunit iginiit ni Gomez, kahit walang maipresentang ebidensya ang prosekusyon laban kay Enrile, mananagot pa rin ang senador sa kasong plunder dahil hinayaan niya ang kanyang pork barrel funds na mapunta sa pekeng foundations ni Napoles.

Si Enrile ay pansamantalang nakamit ang kalayaan makaraang payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder, habang ang dalawang kasamahan na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon Revilla Jr., ay kapwa nakapiit pa rin sa PNP Custodial Center dahil sa kahalintulad na kaso.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *