Brgy. Capt. Busabos ang tingin sa media
Jethro Sinocruz
September 15, 2015
Opinion
THE who ang isang ‘barangay chairman’ diyan sa Metro East na bukod sa nangingilag sa interview sa kanya, ang lakas pa raw mang-insulto ng mga mamamahayag.
Bilang patunay, isang radio reporter ang nakaranas ng magaspang na asal kay German este Chairman, na itago na lang natin sa pangalang “Remembering Antipatiko”or in short R.A. Kasi naman ‘di talaga malimot ng nasabing mamamahayag ang ginawa sa kanya.
Hehehehehehehehe.
Nanggagalaiting kuwento sa atin, inutusan ng kanilang kompanya si radio reporter kasama ang crew para magsagawa ng remote broadcast sa kaharian ni Chairman.
Pagdating sa lugar, siyempre hinanap nila si R.A. Para makipag-coordinate sabay tanong kung available siyang ma-interview sa mga kaganapan at proyekto sa Barangay.
Kamukat-mukat ninyo sinabing ‘di siya available dahil sobrang busy daw siya sa kanyang trabaho, ngak!
Hindi tuloy maintindihan ng Hunyango namin kung bakit siya tinabla at ano nga ba ang dahilan, wala kayang development at proyektong nangyayari sa lugar niya? O mahiyain lang? O dahil may itinatago siyang kabalbalan at ayaw niyang masilo?
A baka naman ayaw talaga niyang masilo siya?
Heto ang mabigat, matapos tanggihan sa interview, aba’y pilit na inaabutan ng P200 si reporter pero ‘di niya ito tinanggap at ipinamukha niyang istorya lang ang kailangan niya.
Belat! Buti nga sa iyo!
Kilalanin kung sino si Chairman na noong hindi pa Punong Barangay ay laging may bitbit na boga.
Gets n’yo?
Bigyan ng (straight) jacket ‘yan!