Friday , November 15 2024

18-anyos factory worker ginahasa ng holdaper

HINDI nakapalag ang isang lalaki nang arestuhin ng mga pulis makaraang gahasain ang hinoldap niyang isang 18-anyos dalagitang factory worker sa Meycauyayan City, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Supt. Lailene Amparo, hepe ng Meycauayan City police, ang biktima ay manggagawa sa isang pabrika ng pagkain sa nasabing lungsod.

Pormal nang sinampahan ng kasong rape ang naarestong suspek na si Dennis Durot, 30, residente ng Meycauayan Industrial State, Brgy. Iba, sa nabanggit ding lungsod.

Ayon sa ulat, pauwi ang biktima galing sa trabaho nang harangin at holdapin ng suspek na armado ng patalim.

Makaraang limasin ang pera at iba pang gamit, nagandahan ang suspek sa biktima kaya’t kinaladkad isang madamong bahagi ng lugar at walang-awang ginahasa.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay tinandaan ng biktima ang kanyang mukha.

Nagsumbong ang biktima sa himpilan ng pulisya at sa follow-up operations ay agad nasakote ang suspek.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang mga ninakaw sa biktima at patalim na ginamit sa krimen.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *