Friday , December 27 2024

May paglalagyan si Erap

EDITORIAL logoNAGKAKAMALI si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kung inaakala niyang “walk in the park”ang kanyang laban sa mayoralty race kay dating Mayor Alfredo Lim.  Hindi nakatitiyak ng panalo si Erap kay Lim sa darating na 2016 elections.

Masakit mang sabihin, mukhang naglaho na ang sinasabing Erap magic. Wala nang katotohanan ang slogan na “Erap para sa mahirap.” Bulag at hindi alam ng dating pangulo ang nangyayari sa tunay na kalagayan ng mga maralita sa Maynila.

Kahit na sinong tanungin sa Maynila, halos lahat ay galit kay Erap.  Ang mga nagtitinda sa bangketa at palengke, tricycle at pedicab driver, motorista, negosyante, magbobote, magtataho, sapatero at pati na ang mga dati niyang kakampi ay galit na rin sa kanya.

Ang akala ni Erap ay mabango pa rin siya sa mga Manileno.  Pero ang katotohanan ay isinusuka na siya.  Sinayang lang niya ang tiwala na ibinigay sa kanya ng publiko noong 2013. Imbes mahalin niya ay pinabayaan niya ang mga Manileño.

Magugulantang na lang si Erap pagdating ng araw ng eleksiyon. Isang malaking dagok ang darating sa kanya kapag nakita niyang tinalo siya ni Lim sa araw ng halalan at tinambakan sa lugar ng mga maralita.

Kung minsan, ang sobrang kompiyansa sa sarili at kayabangan ay hindi nagdudulot ng maganda sa isang tao.

Nagbabalikwas na ang Maynila.

About Hataw

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *