Sunday , December 22 2024

Ballot printing sa Abril tatapusin ng Comelec

TINIYAK ng Commission on Election (Comelec) na matatapos sa Abril ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin para sa May 2016 presidential elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, matatapos ang printing ng ballots sa April 25 at agad nila itong ipadadala sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Pahayag na Lim, kanilang uunahin ang remote areas sa bansa sa pag-deliver ng mga balota habang ang mga balota para sa Metro Manila voting centers ay siyang pinakahuling ide-deliver.

Inihayag din ni Lim, nais nilang matapos nang maaga ang pag- imprenta ng mga balota para sakaling magkaroon ng pagkakamali ay mai-correct agad ito.

Sa Nobyembre 16 matutukoy ng Comelec kung ilang balota ang i-imprenta.  

Sa kabilang dako, ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ang government-run National Printing Office (NPO) ang mag-iimprenta ng mga ballots.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *