PNoy: inspiring si Mar preparado sa 2016
Hataw News Team
September 10, 2015
News
HINDI maiwasang politika na naman ang itanong ng mga mamamahayag ng isang malaking broadsheet kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino nang bumisita sa opisina nito noong isang araw.
Sinabi ni PNoy na malinaw ang dahilan kung bakit niya pinili bilang kanyang pambato sa susunod na eleksyon si Secretary Mar Roxas at hindi si Senadora Grace Poe: “At the end of the day ‘yung track record, meaning experience. And I think I stated it categorically when I endorsed him, ‘yung mahaba-haba na ang service ni Mar. Nakita na natin ang performance in so many other categories,” sabi ni PNoy.
Kahit naniniwala ang Pangulo na dapat pang bigyan ng pagkakataong manatili sa ‘Daang Matuwid’ si Poe, inamin naman niya medyo kulang pa sa karanasan si Poe pagdating sa pamamahala, lalo na sa mga pagkakataong masusubok ang gilas nito.
“But at the end of the day, is she as prepared as Mar? And I don’t think anybody can argue that she is as prepared as Mar at this point in time,” sabi ng Pangulo.
Nang pinapili ng mga hashtag na babagay sa mga personalidad na nabanggit, pinili ni PNoy ang #inspiring para kay Roxas, at #satamangpanahon para kay Poe.
Nasabi na rin noon ng Pa-ngulo na matindi ang hamon na hinaharap ng isang pangulo at kailangan ay buo ang integridad at kalinisan nito.
“I don’t make a decision lightly, kailangan pinag-aaralan,” bungad niya.
Sa dami raw ng hinaharap ng isang Pangulo dapat matibay ito at hindi basta-basta nagpapasulsol sa mga tao o kaibigang may interes sa isyu.
“So ‘pag mayroong dapat ipaglaban, ang paniwala ko, ta-lagang isagad natin ‘yung paglaban. Pwede naman akong nag-join no’ng bandwagon…”
Inamin din ni PNoy na nasa radar ng Partido Liberal si Camarines Sur representative Leni Robredo para maging running mate ni Roxas.
“Marami nang s(in)acrifice si Leni. Palagay ko the least I owe it to her will have to have—if Mar decides it’s Leni then we talk to Leni before we tell anybody else, imbes naman na dagdagan pa namin ‘yung pressure kay Leni at this point in time,” diin ni PNoy.
Si Leni ang biyuda ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo, isa sa mga kinikilalang ehemplo ng matino at mahusay na serbisyo sa bansa.
Minaliit ni PNoy ang sina-sabing plataporma ni Bise Presidente Jejomar Binay, na kumalas sa administrasyon pagkatapos hindi makuha ang pag-endorso ng pangulo.
“So those who are espou-sing, lalo ‘yung opposition sa amin, ‘yung itinayo namin, siyempre, baliktad dahil opposition sila. Bale ‘yung baliktaran nila, mag-reresulta ng maganda para sa ating mga kababayan. Iyon ang challenge nitong mga competitor natin,” diretso ni PNoy.
Tila hinamon ng Pangulo si Binay na sabihin ang katotohanan sa mga alegasyon ng korupsiyon na ibinabato sa Bise at kanyang pamilya.
“And sabi ko nga sana he just tells the truth. Okay na ako roon,” diin ni PNoy.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin humaharap sa mga im-bestigasyon ng Senado si Binay, kahit paulit-ulit itong binibigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang pagkakasangkot sa bilyong-pisong sinasabing overpricing sa mga transaksi-yon sa Lungsod ng Makati habang siya’y alkalde pa nito.