MAGTATAGISAN ng galing ang pangunahing manlalaro ng badminton sa gaganaping Bingo Bonanza National Badminton Open na sisimulan sa Oktubre 11 sa Rizal Memorial Badminton Center sa Maynila at Glorietta 5 Atrium sa lungsod ng Makati, ayon kay Bingo Bonanza executive vice president Alejandro Alonte.
Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, ipinaliwanag ni Alonte na layunin ng torneo ngayong taon na makadiskubre ng mga bagong talent sa lara-ngan ng badminton na maaaring maging miyembro ng pambansang kopo-nan para sa Olimpiyada sa Rio de Janeiro sa susunod na taon.
Ang Bingo Bonanza National Open ay isa sa apat na ranking tournaments na nilalahukan ng mga manlalarong Pinoy para magkuwalipika sa mga pandaigdigang kompetisyon, kabilang na ang Olympics.
Inaasahang mapapalaban sa torneo ang mga miyembro ng national pool at ang mahabang listahan ng mahuhusay na shuttler mula sa iba’t ibang club na nais makakuha ng ranking points at spots sa national pool sa limang division.
Nakataya ang kabuuang prize purse na P1.5 milyon na sanctioned ng Philippine Badminton Association. Nagsi-mula na rin ang rehistrasyon para sa mga nais makalahok simula noong Setyembre 30.
“Ang qualifiers ay gagawin sa unang apat na araw sa Rizal Memorial Stadium Complex Badminton Hall bago lumipat sa Glorietta 5 Atrium para sa quarterfinals mula Oktubre 15 hanggang 18,” ani PBA director at national team manager Jackie Cruz.
Inihayag ni coach at tournament director Nelson Asuncion na inaasahan nilang bumandera sa Bingo Bonanza Open sina Mark Alcala at Gelita Castilo na nanalo sa singles open ng nakaraang taon, maging sina R-Jay Ormilla, Kenneth Monterubio, Kevin Cu-diamat, Paul Vivas at Rene Magnayo sa kalalakihan at Sarah Barredo, Airah Albo, Christine Inlayo at Mal-vinne Alcala sa kababaihan.
ni Tracy Cabrera