Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BI employees nagpasaklolo sa palasyo

NAGPAPASAKLOLO ang mga kawani ng Bureau of Immigration sa Palasyo at sa media para panghimasukan na ang umiiral na power struggle sa liderato ng kawanihan na nagdudulot ng perhuwisyo sa kanilang hanay.

Sa isang bukas na liham na ipinadala sa mga mamamahayag sa Malacañang, nanawagan ang mga empleyado ng BI kay Excutive Secretary Paquito Ochoa na makialam na sa banggaan ng mataas nilang opisyal.

“Hindi po kami kabilang sa kahit anumang grupo o samahan ng Bureau of Immigration dahil takot kaming mapagbalingan ng galit ng mga opisyales sa aming tanggapan, at baka kami po ay matanggal sa aming mga trabaho,” anila.

Wala na anilang katahimikan ang mga empleyado sa kawanihan dahil sila ang napagdidiskitahan sa pag-aaway ng kanilang matataas na opisyal sa pangunguna ni Commissioner Siegfried Mison.

Simula anila nang mabuko ang pagiging green card holder ni Mison ay naging malupit na sa kanila ang halos lahat ng mga opisyal ng BI dahil sa suspetsang  sa hanay nila nagsimula ang pagsingaw ng kontrobersiya sa kawanihan.

“Ilan na po ba ang mga nasuspinde o natanggal na empleyado sa Bureau of Immigration? Marami na po at iyan ay dahil lamang sa mga akusasyong walang katotohanan. Kalimitan sa mga empleyadong ito ay napagbibintangang may kinikilingan o bata-bata ng  mga magkakalabang opisyal ng aming tanggapan,” sabi sa liham ng BI employees.

Umaasa sila na kagyat na aaksiyonan ni  Ochoa ang kanilang hinaing para matuldukan na ang pagmamalupit sa mga kawani ng matataas na opisyal ng BI.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …