Friday , November 15 2024

Sali(n) Na! Luna 2016, tumatanggap na ng mga lahok

Tumatanggap na ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng mga salin ng Impressiones ni Heneral Antonio Luna para sa Sali(n) Na! 2016 sa pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng bayani.

Ang Sali(n) Na! ay taunang programa ng KWF sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan ng bansa tungo sa layuning makalikha ng repositoryo at lawas ng mga opisyal at mapagtitiwalaang salin sa Filipino ng mga naturang akda.

Tanyag man si Luna bílang pinakamahusay ng heneral sa hukbong sandatahan sa digmaang Filipino-Americano, marami pa ring hindi maláy sa kaniyang ibang mga ambag. Ipinanganak noong 26 Oktubre 1866, kasapi siya ng mga Propagandista na naggugol ng panahon sa España upang makamit ang mga reporma para sa Filipinas. Nagsulat siya sa La Solidaridad sa sagisag-panulat na Taga-Ilog.

Natanggap ni Luna ang kaniyang digring Batsilyer ng Sining mulang Ateneo Municipial de Manila. Nagtungo siya sa España para sa karagdagang pag-aaral. Natanggap niya ang kaniyang Licenciatura sa Farmacia mula sa Universidad Central de Barcelona at nakuha ang Doctorado sa Farmacia mula sa Universidad Central de Madrid. Matapos ang doctorado, nagtungo si Luna sa Paris at Belgium upang mag-aral sa ilalim ng mga pinakamahusay na siyentista ng kaniyang panahon.

Dahil sa kaniyang mga ginawa bílang kasapi ng Kilusang Propaganda, pinaghinalaan siyang kasangkot sa rebolusyong sinimulan ni Bonifacio kayâ ipinakulong siya sa España. Nang mapalaya, nag-aral siya ng siyensiyang pangmilitar sa ilalim ni Heneral Gerard Mathieau Leman. Dito niya natutuhan ang mga taktika at estratehiya na magpapatunay ng kaniyang galing bílang pinakamahusay na heneral sa Rebolusyonaryong Hukbo ng Filipinas.

Maaaring idownload ang tekstong isasalin sa kwf.gov.ph. Mula sa orihinal sa Español, isasalin ito sa Filipino. Tatanggapin ang mga lahok hanggang 30 Hunyo 2016. Para sa mga tuntuning, i-click ang sumusunod na link: http://kwf.gov.ph/salin-na-2015-tampok-ang-impresiones-ni-antonio-luna/.

About Hataw

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *