Sunday , December 22 2024

Osmeña Tinawag Na Trapo Si Poe

TINAWAG na ‘trapo’ ni Senador Serge Osmeña ang dating alaga na si Senador Grace Poe.

Sinabi ito bilang reaksiyon ni Osmeña sa isang radio inteview nang matanong ito kung paanong marerekober ni Poe ang mga botanteng nadesmaya sa naging pagdepensa niya sa Iglesia ni Cristo sa kasagsagan ng matinding trapik na idinulot ng apat na araw na protesta ng grupo.

“She has strategists. She should ask her strategists,” sabi ni Osmeña, na dati nang sinabi na hindi dapat tumakbo si Poe bilang Pangulo at tanggapin na lamang ang alok ni Pangulong Noynoy Aquino na maging running mate ng kanyang pambato na si Mar Roxas.

Si Osmeña ay kilalang dating adviser ni Poe, ngunit inamin ng una na hindi na siya kinokonsulta ngayon ng Senadora at kay Senador Chiz Escudero na lamang sumusunod.

“She was wrong there, she appeared to be a trapo,” sagot ni Osmeña nang tanungin siya tungkol sa naging posisyon ni Poe sa usaping INC.

Matatandaang dumagsa ang batikos kay Poe, Escudero at iba pang politikong dumepensa sa INC protest laban sa Department of Justice (DoJ).

Sa isang survey ng Philippine Daily Inquirer online, sinabi ng 47.79% mga bumoto na ang mga politikong tulad ni Poe, Vice President Jejomar Binay at Escudero ang tinaguriang “biggest losers” sa nangyaring protesta ng INC dahil sa kanilang pagdepensa sa makapangyarihang sekta sa kabila ng perhuwisyong idinulot sa madla.

Pumangalawa naman ang gobyerno, na nakakuha ng 31.1% na boto dahil sa kanilang maximum tolerance policy. Lampas isang milyong boto ang pumasok sa online survey.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *