Friday , November 15 2024

Killer ng 2 ex arestado sa Rizal (Inilaglag ng asawa)

NAGWAKAS ang mahigit dalawang taon pagtatago sa batas ng isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa dalawang babaeng kanyang naging live-in partner makaraang ituro ng kasalukuyang kinakasama dahil sa pagiging umbagero, iniulat ng Caloocan City Police kahapon.

Swak sa kulungan ang suspek na si Richard Belasa, 35, residente ng Doña Ana Subdivision, Brgy.175 ng nasabing lungsod, naaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest.

Base sa ulat ng pulisya, dakong 6 a.m. isang hindi nagpakilalang babae na sinasabing live-in partner ni Belasa, ang dumulog sa kanilang himpilan upang ipagbigay-alam ang kinaroroon ng suspek, na ayon sa babae ay may kasong pagpatay sa dalawang babae sa Taytay, Rizal.

Agad nakipag-ugnayan sa Taytay Police ang ilang tauhan ng Caloocan PNP upang alamin kung may katotohanan ang ibinigay na impormasyon sa kanila at kumuha ng arrest warrant laban kay Belasa kaugnay sa pagpatay sa dati niyang live-in partner na sina Christine Gino, at Catherine Oliveros, sa Palmera Homes, Taytay, Rizal noong Pebrero, 2013.

Bitbit ang arrest warrant, inaresto ng mga pulis ang suspek na hindi na nagawang pumalag.

Salaysay ng kasalukuyang live-in partner ng suspek, minabuti niyang ituro si Belasa sa mga awtoridad sa takot na siya naman ang patayin dahil madalas siyang gawing punching bag tuwing malalasing.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *