Ex-staff ng konsehala tiba-tiba sa for sale awards
Jethro Sinocruz
September 8, 2015
Opinion
THE who itong isang pulpol na presidente ng non-government organization (NGO) na kumikita dahil sa kabulastugan?
Itago natin siya sa pangalang “Mang Ahas” dahil katulad ng ahas ganito kabagsik ang kanyang kamandag para magkapitsa o magkapera.
Kung matatandaan noong nakaraang linggo ibinulgar natin ang pagbili ng parangal ng isang dating mambabatas na pinangalanan nating ‘Si Buko’ at si ‘Mang Ahas’ ang siyang promotor sa nasabing award for sale.
Nagulat ako dahil ang buong akala ko si dating congressman lang ang ginatasan n’ya ‘yun pala marami pang ibang politiko ang nauto nitong si Mang Ahas.
Bulong ng ating Hunyango, isang mayor, isang board member o bokal, isang SK chairman, at dalawang councilor ang inalok din pala ni Mang Ahas ng award sa halagang P7,000 hanggang P10,000 at marami pang ibang politiko.
Siyempre ano pa ang aasahan natin kundi ang patulan ng mga mokong na politicians ang offer ni Pangulong Mang Ahas.
‘Susmarya Santisima Trinidad!
Dati, mayroong tinatawag na screening committee ang nasabing NGO pero sa ngayon si Mang Ahas na lang ang nagdedesiyon kung kaya’t maraming incorporators ang nag-resign na dahil hindi nila masikmura ang pinaggagagawa ng kanilang presidente.
Naloko na! Hahahahaha!
In fairness, nagsimula naman sa maganda ang layunin ng kinaaanibang NGO ni Mang Ahas pero nang maupo siya bilang Pangulo, dito na nagkanda-hetot-hetot ang organisasyon.
Napag-alaman natin, dati palang staff ng isang QC lady councilor si Mang Ahas at kaya siya sinibak ay dahil sa ikinakalakal umano nitong mobile clinic para sa mga constituents ni Madam.
Ibubulong ko sa inyo kung sino siya…
Gets n’yo?!