Friday , November 15 2024

Anak ni Ka Roger abswelto sa murder

INABSWELTO ng korte ang anak ni dating NPA spokesperson Ka Roger Rosal, na si Andrea Rosal kaugnay sa kasong murder.

Napag-alaman, pinagbigyan ng Quezon City court ang inihaing ‘motion to quash false murder charges,’ ni Andrea at kahapon ipinalabas ng korte ang release order para sa kanya.

Nitong nakaraang taon, ang akusasyong kidnapping laban kay Andrea ay ibinasura rin ng Pasig court. Ang dalawang kaso ay ibinasura bunsod nang kawalan ng ebidensiya at sinasabing ang mga ito ay harassment lamang.

Kasalukuyan nang inaasikaso ng NUPL lawyers at Karapatan paralegals ang agarang pagpapalaya kay Andrea dahil wala nang basehan para manatili pa siya sa kustodiya ng pulisya.

Si Andrea ay inaresto habang nagdadalantao, at nakunan habang nakapiit, sinasabing dahil sa kapabayaan ng gobyerno at hindi mainam na kondisyon sa kulungan.

“Isa lamang si Andrea Rosal sa ilang daang bilanggong politikal sa bansa na ikinulong sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso. Napatunayan sa korte na hindi siya nagkasala at hindi niya dapat sinapit ang pagkawala ng kanyang anak dahil sa hindi makatarungang pagkulong sa kanya habang siya ay nagbubuntis. Kasabay ng kanyang paglaya ang higit pa naming panawagan sa pagpapalaya sa lahat ng bilanggong politikal na ipiniit dahil sa kanilang pampulitikang paninindigan at pagtatanggol sa nakararami,” pahayag ni Karapatan-Southern Tagalog spokesperson Doris Quario.

Top Ranking NPA leader arestado sa Marikina

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang isang top ranking leader ng New People’s Army (NPA) sa inilunsad na joint law enforcement operation sa Marikina City bandang 12:30 a.m. kahapon.

Kinilala ang nahuling NPA leader na si Rene Nuyda Jr. alyas John Dela Cruz, Ka Red, Sung, regional secretary ng Bicol Regional Party Committee ng NPA.

Nakorner ng mga tropa ng CIDG NCR, Marikina Police Station at mga sundalong Army si Nuyda sa kanyang tinutuluyang bahay sa 56 Paradise St., Brgy. Malanday, Marikina City, alinsunod sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando De Lemios Bobis ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte.

Si Nuyda ay nahaharap sa kasong double frustrated murder case at may inilaang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng P200,000.

Sangkot si Nuyda sa pananambang sa mga sundalong Army noong Hulyo 14, 2008 sa Sitio Nalisbitan, Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte, nagresulta sa pagkakasugat nina PFCs Michael Luzon at Roel Barnigo.

Bukod sa kinakaharap na kaso, sasampahan din si Nuyda ng paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (Laws on Explosives).

Nakompiska mula sa posisyon ni Nuyda ang isang caliber .45 pistol, magazine ng caliber .45 pistol, pitong pirasong bala ng caliber .45 pistol, at dalawang fragmentation grenades.

Nakuha rin sa kanya ang 13 laptops computers, 21 cellular phones, limang USB broadbands, anim USB flash drives, 32 SIM cards, limang tablets, 16 memory cards, dalawang PDAs at P79,000 cash.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *