Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5-anyos paslit  inutusan ng ama na barilin si nanay

NAGA CITY – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang ama makaraang utusan ang 5-anyos anak na barilin ang kanyang ina sa kanilang bahay sa Lucban, Quezon kamakalawa.

Kinilala lamang ang suspek sa pangalang Romeo, 34-anyos.

Nabatid na may problema sa pamilya ang mag-asawa kaya nagdesisyon silang maghiwalay ngunit nagkasundong maghahati sa oras sa kanilang anak.

Nang dumating ang suspek sa bahay ng mag-ina para hiramin ang paslit, agad ibinigay ng misis na kinilalang si alyas Jessa, 28-anyos, dahil na rin sa kanilang kasunduan.

Ngunit lingid sa kaalaman ng ginang, dinala ni Romeo sa labas ng bahay ang paslit at ibinigay ang dala niyang baril.

Pagkaraan ay inutusan ang paslit na barilin ang ginang  at babarilin ng ama ang kanilang bahay.

Nang marinig ito ng ginang ay mabilis siyang lumabas habang nagpapaputok ang suspek.

Masuwerteng walang nasaktan sa insidente.

Samantala, napag-alamang matagal nang gumagamit ng droga ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) at RA 7610 (Child Abuse).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …