Friday , November 15 2024

Tax collection pagbubutihin ng BIR

ANG pagpapabuti sa Collection ng buwis ang tututukan ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito’y makaraan ihayag na hindi magpapatupad ng panibagong tax measures ang pamahalaan.

Kinompirma ni BIR Commissioner Kim Henares, kasalukuyang nasa status quo ang komisyon at sinabing walang pagbabago sa tax rates, walang pagtaas ng tax at walang income tax cuts.

Siniguro ni Henares, dahil dito gagawin ng komisyon ang lahat nitong makakaya para makamit nila ang kanilang target collection.

Bagama’t mayroong panukala sa House of Representatives para mapababa ang income taxes, pinaliwanag ng Department of Finance at BIR, sa sandaling maaprubhanan ang panukalang tax cut, dapat magkaroon ng hakbang para i-offset ang losses sa koleksiyon.

Kabilang sa ikinokonsidera rito ang pagtaas ng Value Added tax (VAT).

Binigyang-diin ni Henares, hindi isinusulong ng pamahalaan ang pagtaas ng VAT rates mula sa 12% hanggang 14%.

Ayon kay Henares, kapag mababa ang tax rates, ibig sabihin magkakaroon nang kaunting budget para tugunan ang mga proyekto ng pamahalaan, gaya ng programa sa kahirapan at edukasyon.

Aniya, dapat tulungan din ng mga mambabatas ang pamahalaan para mapagbuti nito ang koleksiyon partikular ang pag-alis ng ‘bank secrecy for tax purposes’ at gawing ‘predicate crime’ ang tax evasion.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *