Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

No. 1 si Mar sa survey, hahaha

EDITORIAL logoSINO pa nga ba ang aasahang magiging number one sa survey na kinomisyon ng Liberal Party (LP) kundi si Interior Sec. Mar Roxas din mismo. Hindi naman siguro magpapa-survey ang LP kung hindi nito matitiyak na ang kanilang standard bearer ang siyang mangunguna.

 Ayon kay Rep. Egay Erice, ang internal survey na kinomisyon ng LP ay nagpapakita ng panalo ni Roxas laban kay Vice President Jojo Binay, kung ang presidential elections daw ay one-on-one sa pagitan ng dalawang kandidato.

Nakakuha raw ng 53 percent rating si Roxas, samantalang si Binay naman ay nakapagtala  ng 37 percent. Ang survey daw ay nationwide  at isinagawa ng professional polling firm matapos na ibigay ni Pangulong Noynoy Aquino ang endorsement kay Roxas.

Ang problema, hindi matukoy ni Erice kung anong grupo o firm ang nagsagawa ng nasabing survey.  Mahalaga ang pagkakakilanlan ng isang survey firm para maging lehitimo ang pagsasagawa ng survey, kung hindi, lalabas na peke o bogus ang trabaho nito.

At ipinagtanggol pa ni Senate President Franklin Drilon ang nasabing survey at iginiit na tunay na pinakomisyon ito ng LP.  Pero ang tanong nga, ano ang pangalan ng survey firm?  Dito kasi masusukat kung totoo nga ang nasabing survey o moro-moro lang.

Kaya nga kung si Atong Ma ng programang “Katapat” ang tatanungin tungkol sa survey, ito ang magiging tugon niya… hahaha, hahaha, hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …