Sunday , December 22 2024

Killer ng med student arestado

SWAK sa kulungan ang suspek sa pagpatay sa isang lalaking medical student na pamangkin ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng hapon sa Sta. Rosa City, Laguna.

Ayon kay Laguna Police Provincial Office Director, Supt, Reynaldo Maclang, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng CCTV na si Jun Francis Bertulazo, 19, at estudyante ng Polytechnic University of the Philippines – Sta. Rosa campus.

Kasong robbery at homicide ang isasampa ng pulisya laban sa suspek.

Sinabi ni Maclang. inamin ng suspek na siya nga ang lalaking nakita sa CCTV ngunit tikom ang bibig niya kaugnay sa pagpatay sa biktimang si Paulo Miguel Catalla, 27, may tama ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hubo’t hubad at duguan ang katawan ni Catalla nang makita sa loob ng kanyang tinitirhang apartment ng kanyang bestfriend na si Michell Vanessa Albano.

Dagdag ni Supt. Maclang, nawawala ang wristwatch, Ipad, cash at iba pang mga personal na kagamitan ng biktima.

Ang biktimang si Paulo ay pamangkin ni Philippine Consul general to Hong Kong Bernardita Catalla.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *