Sunday , November 24 2024

Drilon sa LP: Iwanan si Poe

drilon poeIPAGPAPATULOY ng Liberal Party ang trabaho para iangat pa ang mga numero ni Secretary Mar Roxas, ang napiling pambato ni Pangulong Noynoy Aquino para sa halalan sa 2016, sabi ni LP Vice Chairman at Senate President Franklin Drilon.

“We will really focus on strengthening. That has been our objective from the very start, we need to build up our candidate rather than rely on anybody,” anang Senate President.

Nagsalita na rin si Drilon na dapat nang itigil ang panliligaw ng LP kay Senador Grace Poe para maging running mate ni Roxas. “In my view, Sen. Grace Poe is already a candidate for president. The writings are on the wall. She will run. So we prepare and complete our slate for 2016, including the senators.”

Sa kabila ito ng mga pahayag ni Poe na wala pa siyang desisyon kung tatakbo, pero hayag nang nag-iikot at nangangampanya ang senadora.

“Hindi naman niya gagawin iyan kung hindi kakandidato. Hindi madaling mag-ikot,” sabi ni Drilon.

Hindi naman nabahala si Drilon sa mga lumalabas na survey at sinabing may estratehiya na ang LP, pero tumanggi siyang ibunyag ito.

Nang tanungin tungkol sa kanilang mga plano, sinabi ni Drilon na ihaharap ng partido sa mga botante ang programa ni Roxas para ituloy ang Daang Matuwid. “More on that rather than personalities. Secretary Roxas, indisputably, will continue this principle,” banggit niya.

Panatag naman si Drilon na sapat pa ang panahon para makapili ng malakas na running mate si Roxas. Ilang sikat na personalidad din ang nababanggit na pinagpipilian: sina Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo at Batangas Governor Vilma Santos ay iilan lamang sa mas matunog na paborito para sa puwesto.

About Hataw News Team

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *