Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bus nahulog sa bangin 2 patay, 19 sugatan (Sa Zambo City)

ZAMBOANGA CITY- Dalawa ang patay habang 19 ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) sa national highway ng Brgy. Pasobolong sa Zamboanga City kahapon.

Ayon sa report, nanggaling sa Pagadian City ang naturang bus at pasado 5 a.m. kahapon nang pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada ay dumiretso ito sa gilid.

Unang bumangga ang bus sa isang motorsiklo na minamaneho ng isang Amelia Buco, 50, residente ng naturang lugar, agad binawian ng buhay sa insidente.

Tuluyang nahulog sa bangin ang bus at bumangga sa isang bahay.

Sunod na binawian ng buhay ang isa sa 19 sugatang pasahero ng bus na kinilalang si Raquel Solis ng Lanao Del Sur.

Kasamang ginagamot sa ospital ang driver ng bus na si Rogelio Bambao, 50, ng Labangan sa Zamboanga Del Sur.

Inaalam pa ng pulisya kung posibleng nakaidlip ang driver ng bus kaya humantong sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …