Friday , November 15 2024

MMDA Chair Tolentino: Dapat solid tayo kontra trapiko

“Magkaisa sa pagresolba ng problema sa trapiko.”

Ito ang panawagan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa harap ng paghahanda ng ahensiya sa 96 miyembro ng PNP-Highway Patrol Group para ilagay sa piling “chokepoints” sa EDSA.

“Hindi ito panahon ng pagsisisihan. Alam na natin ang problema. Magtulungan tayo para ito’y maresolba,” wika ni Tolentino.

Bago rito, nagpakalat na ang Malacañang ng PNP Highway Patrol Groups para tulungan ang MMDA sa pagmamando ng trapiko sa EDSA. Ilalagay ang 96 miyembro ng PNP-HPG sa anim na chokepoints sa kahabaan ng EDSA, kabilang ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Guadalupe at Taft Avenue simula sa Lunes.

Nagsimula na ang orientation ng PNP-HPG sa MMDA Institute of Traffic Management upang maging pamilyar sila sa mga patakarang pang-trapiko at sa mga ordinansang may kinalaman sa trapiko ng mga siyudad na binabagtas ng EDSA.

“Shifting ang magiging trabaho ng HPG at may kapangyarihan din silang mag-isyu ng traffic violation receipts,” wika ni Tolentino.

Sa pagpasok ng HPG, ang iba pang MMDA na nakatalaga sa EDSA ay ilalagay sa iba pang lugar na masikip ang trapiko, tulad ng Quezon Avenue, Roxas Boulevard at Taft Avenue.

“Ang pagsisikap na tutukan ang problema ng trapiko ay magiging inter-agency coordination sa pagitan ng MMDA at PNP, DSWD, Office of the President at marami pang iba” wika ni Tolentino.

“Inaasahan natin na makatutulong ang HPG para disiplinahin at pasunurin ang mga motorista sa mga patakaran,” ani MMDA chairman.

Iginiit ni Tolentino na bukod sa malaking bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada, nakadaragdag pa ang paglabag sa pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.

Sa ASEAN, sinabi ni Tolentino na ang Filipinas ay pangalawa sa Vietnam pagdating sa bentahan ng sasakyan. Aabot sa 22, 300 bagong sasakyan ang nabebenta sa bansa bawat buwan.

Idinagdag ni Tolentino na ang bagong hakbangin ay bahagi ng paghahanda para sa APEC Summit, na maraming delegado ang dadaan sa EDSA para makarating sa destinasyon.

About Hataw

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *