Sunday , December 22 2024

Chiz expert sa budget at agri (Para sa Bise Presidente — Butil Party-List)

0904 FRONTNANAWAGAN si ABONO Party Rep. Francisco Emmanuel Ortega III para sa aktibong pakikilahok ng dating Senate Finance Committee Chairman na si Francis “Chiz” Escudero sa deliberasyon ng budget para sa agrikultura sa 2016 kasabay ng pahayag na matutulungan ng senador ang mga mambabatas upang matukoy ang pinakamabisang paraan sa paglalaan ng pondo tungo sa pagpapabuti ng sektor ng pagsasaka.

“Ilang taon na namin napapansin ang kadalubhasaan ni Senator Chiz sa pagbubusisi ng paggastos ng mga ahensiya sa agrikultura. Palagi siyang handa at alam ang budget, pasikot-sikutin man o bali-baliktarin. Lumalabas pa na mas magaling kompara sa mga eksperto sa budget na nagmumula sa sektor ng pagsasaka,” ayon sa mambabatas.

“Kailangan natin si Chiz sa pagba-budget. Malaking kawalan para sa amin kapag wala siya.”

Nagsumite ng “irrevocable resignation” si Escudero bilang Chairman ng Senate Committee on Finance noong Hulyo 28, 2015 dahil sa posibleng pagtakbo para sa mas mataas na posisyon sa 2016 dahil umano sa katuwiran at “delicadeza.”

Matatandaang binatikos ng senador ang administrasyon dahil sa “underspending” o mahinang paggasta para sa mga proyektong kinakailangan sa pagsasaka, dahil ang kalakaran sa paggugol ng pondo ay nagsisilbing banta sa “food security” ng bansa.

Ipinakita rin nito sa kasalukuyang pamunuan ang mataas na bilang ng mga naghihikahos sa hanay ng mga magsasaka, mga namamalakaya at iba pang manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Idinagdag ng kinatawan ng mga magsasaka sa Kongreso na ang kaalaman ng senador mula sa Bikol hinggil sa detalye ng taunang budget (General Appropriations Act) ay magsisilbing malaking kalamangan kapag pormal nang nag-deklara ng kandidatura bilang bise-presidente.

“Si Chiz ang natatanging kakandidato bilang bise presidente na may malalim na kaalaman sa proseso ng pagba-budget at malaking kalamangan niya ito kapag pumalaot sa Sangay Ehekutibo,” ayon sa mambabatas.

Bukod dito, ang pinag-isipang pagtugon ni Escudero sa mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka, ayon kay Ortega, ay nagpapakita lamang ng “pang-unawa sa pangangailangan ng sektor ng pagsasaka at mga obrero.”

“Ang panawagan ni Sen. Chiz na pakialaman ng gobyerno ang pagpapababa ng presyo ng fertilizer bilang tugon sa pananalasa ng El Niño ang pinakamagandang halimbawa ng pang-unawang ito.”

Una nang hinimok ni Escudero ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na simulan na ang pakikipag-usap sa manufacturers at mga distributor hinggil sa posibilidad ng rollback sa presyo ng abono sa gitna ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ibinunyag ni Ortega na ang pinakamalaking bahagi ng 2016 national budget ay  ilalaan para sa  at Department of Education, Department of Public Works and Highways, Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, Department of Health at sa Department of Social Welfare and Development.

“Ang sektor ng agrikultura ay nananatili bilang pinakamalaking tagapagbigay ng trabaho at tagapaglikha ng produksyon sa bansa. Malaki ang implikasyon ng lumalalang sektor ng pagsasaka sa ekonomiya. Panatilihin pa rin sanang ito ang prayoridad ng gobyerno,” giit ng kinatawan ng ABONO.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *