Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balikbayan boxes libre na (Customs pursigido)

0904 FRONTLABINLIMANG beses ang dami ng mga pambahay at personal goods na nakasilid sa mga shipping containers ang itinutulak ngayon ng Bureau of Customs (BoC) na ma-exempt sa buwis na babayaran ng mga Filipinong balikbayan, kasabay ng pagdoble ng isanlibong beses sa halaga ng mga libreng goods na ipinapadala pauwi ng overseas Filipino (OFWs) mula sa ibayong dagat sa pamamagitan ng  sa balikbayan boxes o parcels.

Ang panuntunang ito ay isinulong ng BoC kasabay ng panawagan sa Senado na makipagtulungan sa mababang kapulungan  ng  Kongreso  upang isabatas sa lalong madaling panahon ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa pagtalakay ng Senado hinggil sa patakaran ng BoC  sa pagbubuwis sa balikbayan boxes, ipinahayag ni Customs Commissioner Albert Lina sa mga senador na ang pagpasa ng CMTA ay pakikinabangan ng mga Filipino na kasalukuyang naghahanapbuhay sa ibang bansa na ang tanging nasa isip ay “ibahagi ang mga pagpapalang tinatamasa nila sa kanilang mga mahal sa buhay.”

“Buo ang suporta ng Bureau sa panukala na mag-aangkop sa mga polisiya hinggil sa mga ipinapadala ng ating mga kababayan sa tawag ng kasalukuyang panahon,” ayon kay Lina.

“Ang mga items na naiuuwi nila nang walang bayad gaya ng household items at personal goods na nakapaloob sa mga shipping containers ay nagkakahalaga ng P10, 000 lamang. Mahigit sa halagang ito, sinisingil na sila ng gobyerno. Hindi sapat ito at nararapat lamang, sa aming paniniwala, na itaas sa P150,000 o higit pa bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya,” ayon sa BoC Chief.

Sa ipinalabas na slide presentation sa Senado, iniulat din ni BoC Deputy Commissioner for Assessment and Operations Agaton T. Uvero na itutulak din ng Customs ang pagtataas ng “tax threshold exemption” – na kasalukuyang nasa sampung piso – sa “de minimis value exemption” na P10, 000 upang ang mga parcel o balikbayan box na may halagang sampung libo o mas mababa pa rito ang halaga ng laman ay libre nang maipapadala nang walang kaukulang customs duties.

Ayon sa BOC official, ang sampung libong hangganan ay regular na susuriin at itataas kapag akma sa panahon.

Ipinaliwanag din ni Uvero na magpapatupad ng mga kaukulang pagbabago sa polisiyang kanilang ipinapatupad upang maibsan ang agam-agam ng publiko na ang kanilang mga ipinapadala sa kanilang mga kamag-anak ay bibigyan ng ibayong pag-iingat kapag nasa kustodiya ng kagawaran. 

“Lahat naman po tayo, kahit mga empleyado ng customs, may mga kamag-anak sa ibang bansa. Nauunawan po namin ang kanilang pag-aalala sa integridad ng mga balikbayan boxes at kami naman po sa pamunuan ng Customs ay nangangakong tutugunan ang lahat sa lalong madaling panahon,” bigay-diin pa ni Uvero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …