Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Viloria nahaharap sa pinakamabigat na laban kay Gonzales

090115 Brian Viloria Roman Gonzalez

ALAM ni dating world flyweight at light flyweight champion Brian Viloria na si Roman ‘Chocolatito’ Gonzales ng Nicaragua ang pinakamabigat at pinakatalentadong boksingero na kanyang makakaharap sa kanyang career.

Maghaharap ang dalawang kampeon sa Oktubre 17, 2015 (October 18 PHL time) sa Madison Square Garden sa New York.

Hawak ang perfect 43-0 record, kabilang ang 37 knockout, ang defending WBC world flyweight champion na si Gonzalez ay No. 2 sa prestihiyosong pound-for-pound ranking ng RING magazine, bukod sa pagiging lineal champion sa 112-pound division.

“Lumaban na ako at nagwagi sa pinakamalaking entablado sa mundo laban sa ‘best-of-the-best.’ Buong buhay ko’y pianghandaan ko ang manalo sa bawat antas ng kompetisyon mula sa World Amateur titles at Olympic Games hanggang sa professional world titles,” ani Viloria, na may record na 36-4, 22 KOs.

“At ang labang ito, laban kay Roman Gonzalez, ang masasabing pinakamalaking hamon sa ngayon. Ngunit ito rin ang pinakamalaking hamon para kay Roman. Ito ang pagsasakatuparan ng aking ambisyon at gagawin ko ang lahat nang makakaya ko sa fight night. Pareho naming bibigyan ang mga boxing fans ng bagay na espesyal para sa kanila, isang bagay na kanilang pag-uusapan sa mahabang panahon,” punto ni Viloria.

Ayon naman kay Chocolatito, inamin niyang lehitimong banta si Viloria sa kanyang titulo pero sinabi rin na handa siyang harapin ang tinaguriang ‘The Hawaiian Punch.’

“Kilala si Viloria bilang mahusay na kampeon kaya magiging mabigat na laban ito, pero pinaghandaan ko ang hamon,” ani Gonzalez.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …