Sabwatan sa OFWs Box smuggling
Arnold Atadero
September 1, 2015
Opinion
HINDI na dapat layuan ni Commissioner Bert Lina ng Kustoms ang kanyang pananaw upang alamin kung bakit hindi matigil ang Balikbayan Box smuggling sa kanyang bakuran. Kahit noong dumating si Lina lalong naging garapal ang kanyang mga personnel na sangkot sa OFW box smuggle.
Tinutumbok natin ang mga kurakot na ilang opisyales at examiner ng isang unit sa Bureau, ang Informal Entry Division. Sila ang nagpoproseso ng mga OFW box na sa sangayon sa batas ay limitado lang sa $500 bawat box. Tax exempt ito, isang privilege na ibinigay sa kanila noon pa mang Marcos era. Kung ang kargamento ng isang balikbayan ay lumampas sa $500, ito ay commercial na at iyong sobra sa $500 bubuwisan na.
Dahil nga sa napalawak na sabwatan milyon milyong revenue ang nawwala sa Bureau at tanging mga kasabwat sa sabwatan (conspiracy) ang tumatabo. Sa totoo lang ilang mga forwarder, iyong handler ng mga balikbayan box na siningil nila nang $100 kada kahon (box). Isipin na lang na umaabot sa 150,000 na container van ang dumarating sa iba’t ibang puwerto ng Kustoms kada buwan.
Dahil walang X-ray or physical examination sa mga bax nito, sinasamantala ng mga kasabwat sa sindikato. Ang tatlong player o sindikato ay mga taga-kustoms personnel sa Informal Entry 0ffice, ang mga kurakot na freight forwarder at iyong mga Pinoy na naging permanent resident ng Amerika.
Labis-labis ang mga isinasaksak sa OFW boxes. Sobra-sobra sa $500 ang mga kargada, tulad ng signature shoes, expensive watches, gun parts, at components ng mga kotse.
Ang masama nito, may tsismis na dito rin idinadaan ang mga bawal na droga. Walang sita-sita.
Iyong mga kasabwat na Customs people may magagandang bahay, expensive cars, boutique sa mga 5-star hotel, mga anak na nag-aaral sa mga mamahaling eskwelahan. Signs of proipesrity. Kilang kilala nila ang mga smuggler na ginagamit ang OFW boxes para magpuslit ng illegal drugs,
Dapat lansagin nila Lina at kanyang mga deputy ang sindikato.Unang-una sibakin ang mga taga-Informal Wntry na saksakan na nang yaman, ipa- Lifestyle Check agad-agad, kasuhan at dalhin sa Tawi-Tawi. Tutal ayaw nilang tumigil sa kanilang mga smuggling activity. Pati illegal drugs at iyong mga pampagandang drug, na ipinapsok lalo sa Airport natin na walang FDA PERMIT. Kung ano-ano na lang ang ipinapasok. Bakit marami ring kasabwat sa airport?
Umpisahan mo na Commissioner ang paghataw sa mga taga-Informal Entry division, sa Port of Manila, sa MICP, sa NAIA-Customs at iba pang malalaking puerto.
Hindi puwedeng ningas-kogon lang ang pag-apula, Mr. Lina.