Sunday , December 22 2024

P4-M droga nakompiska sa Davao Norte (4 patay, 9 arestado)

DAVAO CITY – Umabot sa P2.2 milyong halaga ng shabu at P1.7 milyong halaga ng marijuana ang nakompiska ng Davao del Norte PNP sa inilusad na simultaneous implementation ng warrant of arrest.

Matagumpay at sabay-sabay na nahuli ang siyam suspek sa operasyon laban sa illegal na droga, ng Davao Del Norte Police Provincial Office (DNPPO), CIDG Eastern Mindanao, RAIDSOTG 11, Ring Main Unit (RMU) 11, Highway Patrol Group (HPG) 11, Regional Public Safety Batallion (RPSB) 11, Regional Intelligence Unit (RIU) 11, CLO Davao del Norte, COMMEL 11 at PDEA 11, habang apat ang napatay nang pumalag sa mga awtoridad.

Ayon kay Davao del Norte Police Provincial Director, Sr. Supt. Samuel Gadingan, siyam na search Warrant ang kanilang ipinatupad kamakalawa sa mga lugar ng Tagum City, bayan ng Sto. Tomas at Asuncion at iba pang bahagi ng lalawigan ng Davao del Norte na nagresulta sa pagkakadakip sa siyam suspek, at pagkamatay ng apat iba pa nang pumalag sa pag-aresto.

Kinilala ang mga napatay na sina Hanran Saumay Sultan, Ronaldo Baquiran, Abi Nasser at Marvin Paguak.

Dagdag ni Gadingan, bukod sa pagtutulak ng illegal na droga, ang mga suspek ay sangkot din sa gun for hire at robbery hold-up.

About Hataw

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *