Monday , December 23 2024

Inaalat na si Justice Secretary Leila de Lima

041314 leila de limaGUSTO sana nating batiin ng happy birthday kahit na belated si Justice Secretary Leila De Lima pero mukhang magiging insulto ito sa kanya dahil mukhang hindi talaga happy ang birthday niya kamakalawa.

‘Yan ay dahil sa mismong pinakamahalagang araw sa kanyang buhay ‘e dinumog na siya ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (initiated man ito o espontanyo) na alam nating hindi magandang kaganapan sa kaarawan mismo ng Kalihim.

Ayon sa ilang ulat na nakarating sa inyong lingkod, maging ang pinakamahalagang bisita ni Secretary Leila na si Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III ay hindi na dumalo sa selebrasyon dahil sa kapal nga ng nagpoprotestang miyembro ng INC.

Naroon na nga ang mga miyembro ng Presidential Security Guard (PSG) pero pinag-pull-out na lang umano dahil nag-cancel na ng appointment ang Pangulo.

Ayaw daw kasi ng INC sa ginagawang pag-epal ‘este’ imbestigasyon ng Department of Justice sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa isyung mayroong kidnapan na naganap sa hanay mismo ng mga opsiyal ng INC.

Ang rason ng INC, internal problem ng sekta ang nasabing isyu at sila umano ang mas awtorisadong resolbahin ito.    

Ang punto naman ng DoJ, mayroong mga kaanak na nagrereklamo at natatakot na baka hindi na nila makitang buhay ang kanilang mga kaanak kaya kailangan nilang mag-imbestiga bilang premier investigating body ng estado.

Kumbaga, sa diskresyon ng DoJ, hindi lisensiya ng isang organisasyon o sekta na magpatupad ng katarungan, pagpapataw man ito o paggagawad, kung apektado ang kalayaan o karapatan ng  isang indibidwal, miyembro man nila o hindi.

Naniniwala ang DoJ na walang awtonomiyang magpatupad ng kanilang patakaran ang isang organisasyon o sekta kung ito ay lumalabag sa batayang batas ng isang lipunan o bansa.

‘Yun lang, hindi pinalad si Secretary De Lima na maunawaan ito ng mga miyembro ng INC na naniniwalang kumikiling siya sa ilang miyembro at/o opisyal na sa kanilang pananaw ay lumalabag sa patakaran ng kanilang simbahan.

Kaya tuluyang naging malungkot ang birthday ni Madam, dahil maraming prosecutor ang hindi na rin daw pumunta sa selebrasyon dahil habang gumagabi ay lalong kumakapal ang mga miyembro ng INC.

Sa pagtataya nga ng pulisya ‘e hindi kukulangin sa 5,000 miyembro ang ‘nagsara’ sa kalye ng Padre Faura.

Sabi nga ng isang observer, organisadong-organisado ang protesta ng mga miyembro ng INC. Mayroong food center, paramedics, at baka mayroon din mga portalet.

Anyway, ano man ang maging ending ng protestang ito ng mga miyembro ng INC, iisa lang ang nakikita natin — LAGLAG na ang ambisyon ni Madam Leila na maupo sa Senado.

Tsk tsk tsk…

‘Di bale, happy naman ang lovelife ni Madame SOJ!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *