Monday , December 23 2024

MIAA employees nganga sa CNA incentives ng DBM

082715 MIAA NAIA money

MARAMI palang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang biglang sumakit ang ulo nitong nakaraang Martes.

Supposedly, mayroon silang matatanggap na incentive alinsu-nod sa kanilang Collective Negotiation Agreement (CNA) batay sa Budget Circular No. 2011-5 ng Department of Budget and Management (DBM) na ang lahat ng empleyado ng gobyerno ay tatanggap ng P25,000.

Ito ‘yung hindi naibigay noong nakaraang taon (2014) na halagang P25,000. Kaya ngayong 2015 ay inaasahan nilang isasabay sa dapat nilang matanggap na P25,000 pa, kaya sa kabuuan ay aabot sa P50,000.

Ang siste, sa hindi malamang dahilan, biglang sinabi ng MIAA Admin na hindi pa rin maire-release ang nasabing CNA incentives.

Apektado ang maraming empleyado sa NAIA sa nasabing pagkakabinbin ng kanilang incentive lalo na ‘yung mga nagpapaaral ng kanilang mga anak.

Obligado na naman magsangla ng kanilang ATM card para mabayaran ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sinisisi ng ilang empleyado ang isang Ms. Fe Dizon sa MIAA personnel na bigla raw umepal at nagsipsip kay MIAA GM Bodet Honrado kaya nabinbin ang release ng kanilang incentive.

Kumbaga, mismong si Ms. Dizon na taga-personnel department umano ang gumawa ng paraan para huwag mai-release ang nasa-bing incentive!?

What the fact!?

Mukhang nagpapalapad daw ng papel si Ms. Dizon kasi parang gusto niyang ipamalas kay GM Bodet na magaling siya sa finan-ces?!

Target kaya niya ang finance department ng MIAA?!

Just asking lang ho…

Isa rin umano sa naging rason para pigilin ang pagre-release ng nasabing incentive, ang isyu ng panghihingi ng Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) ng 5% sa makukuhang P50,000 ng mga empleyado.

Marami umano ang umangal sa ipina-pataw na tila union dues ni Ceferino “Ka Fe-ring” Lopez, presidente ng SMPP.

Nag-react kaagad si MIAA AGM-SES ret. Gen. Jesus Descanzo na: “masyadong mataas ang five percent.” Pwede sigurong 1 to 3 percent pero kuwestiyonable pa rin umano kung bakit kailangan magkaroon ng parte ang SMPP sa nasabing incentive gayong hindi nga sila nakagawa ng paraan para i-release agad ng MIAA admin?

At dahil d’yan sa isyu na ‘yan, mukhang nagkaroon pa umano ng rason ang MIAA Admin para mabinbin na naman ang incentive ng mga empleyado.

Kaya ang nangyari ngayon sa mga emple-yado ng MIAA, NGANGA!

Ano ba ‘yan, insentibo na naging bato pa?!

GM Bodet Honrado, nakikiusap po ang mga empleyado n’yo, kasama na sa budget nila ‘yang CNA incentive na ‘yan.

Kailan kaya nila matatanggap?!

Hindi po ba pwedeng pabilisin na ang proseso niyan?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *