Monday , December 23 2024

PhilHealth TV ad kampanya nga ba ni Risa Hontiveros para senador?

082615 philhealth risa hontiveros

KINUWESTIYON ng isang labor group ang ipinalalabas na TV commercial (TVC) ng PhilHealth tampok si PNoy political appointee Risa Hontiveros.

Ayon kay dating senador Ernesto Herrera, president ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang PhilHealth ay pinagkakatiwalaan ng pinagpaguran at pinagpawisang kontribusyon ng mga manggagawa at mga empleyado para sa kanilang pangangailangang medikal at iba pang benepisyo kaya kailangang gamitin sa tama.

Suspetsa ni Herrera, ginamit ang pondo ng PhilHealth (state health insurance firm) para sa ads ni Hontiveros, na dating party-list representative at talunang senatorial aspirant.

Ayon pa kay dating senador Herrera ang isang TV ad ay pwedeng gumastos ng P442,000 plus value-added tax tuwing ieere kada 30 segundo.

Kaysa gastusin sa TV ad mas makabubuting gamitin ito para itaas o dagdagan ang health insurance benefit ng mga miyembro lalo na nga naman ‘yung mga mininum wage worker at iba pang sweldohang empleyado.

Maganda ang puntong ito ng dating senador.

Hindi rin ito makabubuti sa administrasyong Aquino. Ang pondo ng PhilHealth ay para sa mga miyembro nito at hindi para gamitin sa pamomolitika.

Bukod diyan, sayang ang mga pagsisikap ng kasalukuyang Presidente ng PhilHealth na si Alex Padilla, kung wawasakin lang ng TV ad ni Hontiveros ang mga patakarang ipinatutupad nila laban sa mga tiwaling doktor at ospital.

Alam natin na masalimuot din ang isyung kinasusuungan ngayon ng PhilHealth laban sa mga mapagsamantalang ospital at ilang tiwaling doktor na kabisadong-kabisado na yata kung paano ‘huhuthutin’ ang pondo ng state health insurance firm.

Hindi ba may ganyang kaso sa Bicol?

Si Risa Hontiveros, mga suki, ay dating Akbayan party-list representative na tumakbong senador noong 2010 at 2013 elections pero sad to say hindi pinalad na makalusot sa hanay ng labanang name recall.

Strike two na pala si Madame Risa?!

Paano lulusot ang sampung-letrang apelyido sa malalakas na name recall gaya ng Marcos, Aquino, VIllar, Cayetano, Escudero etc.?

Bukod pa ‘yan sa hindi naman talaga nakagawa ng marka ang pangalan ni Ms. Hontiveros sa larangan ng lehislatura.

Hindi naman masamang mangarap sa ikatlong pagkakataon si Ms. Hontiveros, kung gusto niya talagang maging senador, pero sana naman, huwag niyang kaladkarin ang pondo mula sa mga kakarampot na suwledo ng maliliit nating kababayan.

Alinsunod sa batas, ang bawat empleyado ay kailangan magbayad ng P437.50 per month sa PhilHealth, hindi kasama rito ang employer’s share. Ang overseas Filipino workers (OFWs) at self-employed members ay pinagbabayad ng annual premium na P2,400 to P3,600.

Kabilang 15-member board ang siyam na ex-officio members at anim political appointees ng Malacañang sina secretaries Janette Garin, Mar Roxas, Corazon Soliman, Rosalinda Baldoz at Cesar Purisima; ganoon din sina Social Security System president Emilio de Quiros Jr., Government Service Insurance System president Robert Vergara, PhilHealth president Alex Padilla at isang kinatawan mula sa National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Bukod kay Hontiveros, ang anim pang political appointees ay sina Alexander Ayco (family doctor ng mga Aquino), Francisco Vicente Lopez, Eddie Dorotan, Jane Sta. Ana at isang mula sa Monetary Board.

Unsolicited advice lang Madame Risa, ibahin mo naman ang style ng pagpapakilala mo sa taong bayan at baka ngayon sa ikatlong pagkakataon ay magtagumpay ka nang makapasok sa Senado!

How I wish…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *