Friday , November 15 2024

PNoy: Hindi LP ang umaatake kay Sen. Poe

082515 pnoy grace poe
“INAAKIT namin siya tapos gagawa kami ng black propaganda?” tanong ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa mga mamamahayag kahapon sa Cebu.

Ito’y nang tanungin si PNoy kung ano ang reaksiyon niya sa pahayag ni Senadora Grace Poe na mga kaalyado ng administrasyon ang mga nagpasimula ng mga atake laban sa kanyang pagkatao.

“Parang kung saka-sakaling makuha namin siya, sasagutin namin ‘yung black propagandang ginawa namin? So wala yatang sense ‘yun,” sagot ni PNoy.

Sinabi pa ng Pangulo na dahil papalapit na ang eleksiyon, panahon na naman ng siraan at batuhan ng putik. “Siyempre panahon ng katakot-takot na intriga, katakot-takot na disinformation, at lalabas din naman ‘yung katotohanan,” diin niya. “Pero ulit, gusto ko lang ipagdiinan: Anong pakinabang namin kung gagawa kami ng ganoong bagay?”

Nasa Cebu si PNoy para sa isang ‘Gathering of Friends’ na inulit niya ang pag-endorso kay outgoing DILG Secretary Mar Roxas bilang kanyang kandidato sa pampanguluhan sa 2016.

Malugod na tinanggap ni Roxas ang hamon ni PNoy na ituloy ang ‘Daang Matuwid’ ng administrasyong Aquino. “We are fighting the good fight. Ang ipinaglalaban natin, hindi ang ating mga sarili kundi ang kinabukasan ng ating bayan,” anito sa kanyang talumpati.

Idiniin ni PNoy ang kahalagahan ituloy ang magandang pamamahala para sa kapakanan ng mga Filipino. Inulit din niya ang kahalagahan ng pag-iisa ng mga tagapagtaguyod ng Daang Matuwid. “Kami sa koalisyon, hindi lang Liberal. Talagang umaasa pa rin na magkasama-sama lahat ng puwersang gustong magpatuloy sa nangyayari ngayon,” sabi niya.

Inilista na rin ni PNoy ang mga miyembro ng Gabinete na nalalapit na ang pagbibitiw sa puwesto katulad nina MMDA Chairman Francis Tolentino at TESDA director general Joel Villanueva dahil sa balak na tumakbo sa eleksiyon.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *