Monday , December 23 2024

LP ipinagtanggol ni PNoy laban sa paninira umano kay Sen. Grace Poe

082515 pnoy grace poe

MULI rin nanindigan ang Liberal Party (LP) sa pamamagitan ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi sila ang nasa likod ng mga upak laban sa anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe.

Gustong ipagdiinan ni PNoy na illogical ang pagsasabi ni Sen. Grace na mga kaalyado nila (LP) ang hindi tumitigil sa paninira at pang-aabala sa kanya.

Isa na nga rito ang kasong inihain ng isang Rizalito David sa Senate Electoral Tribunal (SET) na ipinadidiskuwalipika ang Senadora dahil siya ay hindi Filipino citizen.

Ayon kay PNoy, “Inaakit namin siya tapos gagawa kami ng black propaganda?” tanong niya sa mga mamamahayag sa Cebu City, kahapon.

Sa tono ng pananalita ni PNoy, gusto niyang sabihin na dahil papalapit na ang eleksiyon, panahon na naman ng siraan at batuhan ng putik.

Kaya panahon din daw ng katakot-takot na intriga, katakot-takot na disinformation.

At parang si Lola Nidora ni Yaya Dub na nagsabing, “lalabas din naman ‘yung katotohanan sa tamang panahon.”

Sa ikalawang pagkakataon din, muling idiniin ni PNoy ang kanyang endorsement kay outgoing DILG Secretary Mar Roxas bil;ang official standard bearer ng Liberal Party para ituloy ang ‘Daang Matuwid’ ng administrasyong Aquino.

Ang kahalagahan umano nito ay ituloy ang magandang pamamahala para sa kapakanan ng mga Filipino.

Tama si PNoy!

Sa mga susunod na araw tiyak na magiging mainit na ang upakan sa hanay ng mga politiko lalo sa mga mahihigpit na magkalaban.

Asahan natin batuhan ng putik ng magkakalabang grupo.

Tabi-tabi lang po at baka madamay kayo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *