Thursday , December 26 2024

CIDG ‘kolektong isyu’ matutukan kaya?

00 firing line robert roqueANG Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay isa sa mga pangunahing ahensiya ng pulisya na pinagkakatiwalaan sa paglaban sa mga kri-minal at sindikato.

Kaya malaking kasiraan sa grupo ang nakalap nating report na namamayagpag din sila sa pagkolekta ng tong, na tulad ng ilang miyembro ng Philippine National Police na nabalitaang nalugmok sa putik ng katiwalian.

Dalawang yunit ng CIDG na sinasabing aktibo sa kolektong angWomen and Children Complaints Office (WACCO) at Anti-Transnational Crime Division (ATCD).

Nakapanghihinayang kung totoo ito dahil ang WACCO ang nakatoka sa mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan na nahaharap sa panganib o pagsasamantala.

Ang ATCD ay special unit na naatasan namang humawak ng mga kaso ng transnational crimes at pati na ang human trafficking.

Pero bukod sa training para protektahan ang mga kababaihan at kabataan laban sa pang-aapi at pang-aabuso, dumaraan pa umano sa espesyal na pagsasanay ang mga pulis ng WACCO at ATCD kung paano kokolektahan ng tong ang mga establisimiyento na kanilang sasalakayin.

Isang WiIliam Cajayon na dating pulis QC na nasibak sa serbisyo, ang nangongolekta umano ng tong ng WACCO at ATCD para kay Superintendent Romeo Baleros, hepe ng WACCO sa buong Metro Manila.

Na-entrap daw si Cajayon ng NBI sa panghuhulidap at inireklamo sa isang programa sa TV. Kahit na-dismiss ay nagpapanggap daw na pulis ngayon sa pangongolekta ng tong. Lagi rin umano itong may dalang uniporme ng pulis sa kotse para makita ng kinikikilan niya.

Ang patuloy ba nilang pagbibigay ng tong para sa mga tiwaling opisyal ang dahilan kaya hindi matigil-tigil ang pamamayagpag ng mga ile-galista sa likod ng mga nightclub at bahay-aliwan sa Metro Manila, at sa walang takot nilang pag-aalok ng mga kabataang babae sa kanilang mga parokyano?

Ang dating CIDG chief na si Director Benjamin Magalong ay itinalaga bilang officer-in-charge ng Directorate for Investigation and Detective Management.

Ngayong pinalitan siya sa CIDG ni Chief Superintendent Victor Deona, ipaaaresto kaya niya si Cajayon at paiimbestigahan kung ang hepe nga ng WACCO ang ipinangongolekta nito? Kung wala siyang gagawing aksyon ay baka isipin ng iba na pati siya ay bahagi ng katiwalian.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *