Monday , December 23 2024

‘Kapalmuks’ nahihiram daw talaga sa daang matuwid!? (Sa isyung green card holdersi BI Commissioner Mison)

Fred MisonNAPUNO na naman ang inbox ng inyong lingkod sa dami ng mensahe, comments at feedbacks na natanggap ukol sa isyu ng pagiging green card holder ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred ‘pa-nae-nae’ Mison.

Pero magpasintabi muna tayo, kasi habang isinusulat natin ang kolum na ito ay naglalamyerda o nasa isang mahalagang misyon na sa lupain ni Uncle Sam si pa-Good Guy Mison.

Kasama kaya n’ya ang kanyang lovey-dovey ‘thunder’ Valerie?

At dahil mababanggit natin ang pangalan niya sa artikulong ito ‘e sana’y hindi siya mabulunan at mabilaukan kung kumakain o matapilok habang naglalakad, kaya nagpapasintabi na tayo.

Sa iba’t ibang mensahe na ating natanggap, may mga lawyer ang nagsasabing anong klaseng abogado raw ba si Commissioner Mison bakit parang wala siyang delicadeza?!

Kasi nga naman, kung totoong green card holder siya bakit niya tinanggap ang appointment ni PNoy bilang BI Associate Commissioner at hanggang maging BI Commissioner pa?!

Sabi pa ng isang texter, “Aba Mr. Yap, matagal na palang niloloko ni Mison ang sambayanang Pinoy dahil US green card holder pala siya pero sumusuweldo mula sa kabang yaman ng bansa na tinipon mula sa taxpayer’s money.”

Ayon naman doon sa isang texter, “Kapalmuks naman pala ‘yang si Mison. Green card holder pero kumukubra pa ng suweldo bukod pa sa overtime pay na P75,000 tapos ‘yung ibang empleyado at opisyal itinapon, pinahirapan at tinanggalan ng overtime pay?”

“E kung green card holder ‘yan, ano pa ang ginagawa niyan sa Immigration, sipain na ‘yan,” sabi naman ng isang texter mula sa Sta. Rosa, Laguna.

‘Yung isang nag-PM sa ating Facebook Account, ang sabi naman, “Nasaan ang moral ascendancy ni pabebe Mison para pamunuan pa ang BI e hindi naman na pala n’ya gustong maging Pinoy?! Pampasira ‘yan sa tuwid na daan.”

Ilan lang po ‘yan sa mga text at PM na natanggap ng inyong lingkod.

Ang inyong lingkod po ang nanliliit sa mga text messages at PM na ipinadala sa atin.

Pero ang higit na ipinagtataka natin, bakit nananahimik si Justice Secretary Leila De Lima sa pagiging US green card holder ni pa-Good Guy Mison?!

Nanaig ba sa kanya ang pagiging ‘oragon’ nilang pareho?!

Pero, magagalit sa kanilang dalawa ang mga genuine na oragon sa puso’t diwa, kung nagtatakipan sina Madam Leila at mahilig mag-pabebeng si Mison sa isyu ng citizenship ng huli.

Masyado na raw talagang ‘nababoy’ ang Immigration ngayon dahil sa katakawan sa kapangyarihan at kuwarta ng ilang naia-appoint ng Malacañang diyan.

Sa ganang atin, masyado tayong nalulungkot, dahil tila hindi nagmamalasakit ang ilang nai-talaga ng Malacañang sa puwestong ‘yan.      

Basta’t nabigyan sila ng posisyon at malaking suweldo, HAPING-HAPI na sila.

Kung hindi aarestohin  ng Malacañang ang nagaganap ngayon sa BI, malamang isa ‘yan sa magiging malaking ‘guwang’ sa botong pwede nilang i-deliver para sa 2016 elections.

Esep-esep na Malacañang boys!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *