Wednesday , November 20 2024

Sen. Cynthia Villar kulang ba sa pansin?

villarNAGULAT na lang kami nang biglang umepal si Senadora Cynthia Villar na kulang umano sa dessimination o pagpapakalat ng impormasyon ang pamunuan ng Philhealth.

Excuse me po!

Hindi sa nag-aabogado kami sa Philhealth pero tila ba misinformed din si Senadora.

Aba’y katakot-takot na impormasyon na ang kumalat sa buong bansa tungkol sa mga benepisyo ng mga miyembro at benificiaries nitong Philhealth pati mga coverage na sakit at kung magkano ang katumbas na halaga sa mga sakit na babayaran ng Philhealth na makaaalwan sa mga miyembro.

FYI Tita Cynthia, kamakailan lang ay ibinulgar pa ng Philhealth ang mga raket ng ospital kasabwat ang ilang tiwaling doktor tungkol sa sakit sa mata na Cataract at ngayon nga ay pneumonia.

Ay sus naman Tita Cynthia…

Obligasyon din ng mga miyembro na alamin kung ano-anong sakit ang cover ng Philhealth at kung magkano ang katumbas na halaga ang sasaguting kabayaran nito.

Aba’y kung spoon feed lahat Madame Villar ‘e mauubos ang oras ng mga tao ng Philhealth.

Katunayan may call center pa ang naturang opisina at pwede silang mag-inquire tungkol sa ano mang problemang kahaharapin ng mga miyembro nito.

Pwede rin sila sa Facebook mag-inquire, mag e-mail sa kanila, sa mga ospital na accredited ng Philhealth.

Ano pa po na ang kulang Tita Cynthia?

Ah baka naman mag-eeleksyon na kasi at baka mawala sa isipan ng mga botante na may Villar sa Senado kaya kailangan umepal para laging mapansin?

Madame Senator, atupagin na lang po kaya ninyo ang mabilisang pagpasa sa FOI at Anti Dynasty Law, Anti Mining Law.

Mas mayayanig ang bansa kung ito ang bubulabugin ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *