Sunday , January 12 2025

Traffic sa Metro hindi problema ni DOTC Sec. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya (Wala raw namamatay)

00 Bulabugin jerry yap jsyPALIBHASA hindi commuter dahil may sariling sasakyan at sariling driver, nakapagdedesisyon na magdaan sa mga kalye na hindi apektado ng matinding traffic kaya nakapagkokomentaryo pa si Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na hindi raw nakamamatay ang traffic.

Kapalmu!

Sabi nga less talk, less sin.

Kaya lang mukhang hindi alam ‘yan ni Secretary Abaya kaya kung makapagsalita siya ‘e parang walang masamang epekto sa kabuuan ng lipunan ang mabigat na trapiko ng sasakyan na hindi nila masolusyonan. 

Kailangan palang may mamatay muna sa traffic bago sila umaksiyon?!

Napaghahalata tuloy na walang malasakit ang administrasyong Aquino sa mga ordinaryong mamamayan na direktang naaapektohan ng matinding traffic sa kalsada.

Mga manhid at walang pakiramdam.

Pabor tayo sa posisyon ng isang organisasyon na sampahan ng kaso si Abaya at ang iba pang opisyal ng pamahalaan dahil sa pagsisinungaling na gaganda ang serbisyo sa ng LRT at MRT sa oras na maitaas ang pasahe.

E ilang beses na na nagtaas ng pasahe ang LRT at MRT?

Umayos ba ang serbisyo ng MRT at MRT, Secretary Abaya?!

Tell it to the marines!                    

P367.5-M kada taon nawawala sa senior citizen program sa Makati

UMAABOT umano sa P367.5 milyon ang nawawala bawat taon sa senior citizen program o BLU Card program ng mga Binay sa Lungsod ng Makati.

Ito ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-committee nang humarap sa pagdinig si Arthur Cruto, ang head ng Makati Action Center.

Ayon kay Cruto, nang mag-takeover si acting Mayor Kid Peña makaraan masuspinde si Makati Mayor Junjun Binay ay nagsagawa sila ng audit o survey sa mga bahay upang alamin ang kalagayan ng senior citizen program ng mga Binay.

Lumalabas aniya na 40 hanggang 52 porsiyento ng mga pangalan sa talaan ng Makati Social Welfare Department (MSWD) ay ghost senior citizen o katumbas ng 31,280 matatanda ang hindi matukoy ang kinaroroonan at ang iba ay hindi rehistrado sa Commission on Elections (Comelec) at hindi rin residente ng Makati.

May mga ebidensya si Cruto na iprinesenta sa komite kabilang na rito ang sertipikasyon na namatay na ang isang lolo noong 2013 ngunit hanggang 2015 ay tumatanggap pa rin ng benipisyo at may nakapirma sa kanyang pangalan.

Sa ilalim ng BLU Card o senior citizen program ng mga Binay, nasa P11,750 ang average na tatanggapin ng bawat senior citizen sa Makati bawat taon na kinabibilangan ng kanilang cash gift, birthday cake, groceries bukod pa sa P3,000 burial assistance sa oras na pumanaw.

Tiniyak ni Cruto na magpapatuloy pa ang kanilang audit sa bawat barangay sa Makati kaugnay ng isyu sa senior citizen.

Malamang hindi lamang ‘yan ang matuklasan ng bagong administrasyon sa Makati  kapag  ipinagpatuloy nila ang imbestigasyon.

At kapag nabuyangyang pa ang iba’t ibang uri ng ‘MULTO SA MAKATI’ e talagang walang kapantay ang mga Binay sa panggagahasa sa kabang yaman ng bayan.

Sana ay huwag manghinawa ang grupo nina Makati acting Mayor Kid Peña sa pagsudsod ng kung ano-ano pang ‘kababalaghan’ sa lungsod na ‘yan.

Go Mayor Kid Peña!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *