HINDI pa rin nawawala ang pagkukompara sa Kathniel saJaDine lalo’t back to back ang kanilang mga serye saABS-CBN 2. Aktibo na naman ang mga basher ng Jadine simula noong mag-start ang kanilang teleserye.
Sinabi naman ni James Reid sa isang panayam na lagi namang nariyan ang mga hater, pakalat-kalat lang kahit saan. Hindi naman daw mapi-please lahat.
Lalo pang uminit ang rivalry ng Kathniel at JaDine sa pag-post ng mommy ni Kathryn Bernardo ng isyung panggagaya although wala siyang pinangalanan.
Naniniwala rin si James na natural lang ang pagkukompara sa kanila sa ibang loveteam.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro