Wednesday , November 20 2024

Magaling pa kay Houdini ang Pinoy Congressmen (Kung pagpapasa ng batas ang pag-uusapan…)

congressISA raw po ‘yan sa kahusayan ng mga mambabatas na Pinoy sa Mababang Kapulungan.

Kahit siguro lagyan ng sandamakmak na kandado ang Kamara, makalulusot sila at makatatakas kahit sa oras ng deliberasyon.

‘Yan ang dahilan kung bakit laging walang ‘QUORUM’ ang attendance ng mga mambabatas kaya maraming mahahalagang batas ang hindi napagpapasyahan at naipapasa.

Kabilang sa mga importanteng batas na ‘yan ang Freedom of Information (FOI) Bill at Anti-Political Dynasty Bill.

Ang dalawang panukalang batas ang pinaniniwalaang kukupot kung hindi man tuluyang tatapos sa pamamayagpag ng korupsiyon sa bansa at magtutuldok sa pagmamalabis ng angkan-angkang mga politiko na hindi paglilingkod sa bayan ang ginagawa kundi paglilingkod sa kanilang mga bulsa.

Diyan nga raw sa Kamara, sa ROLL CALL lang kompleto ang congressmen.

After ng roll call… isa-isa nang nangawawala. Isa-isang nagtatayuan para humanap ng exit.

‘Yung iba nga raw nagkakairapan pa, kapag nagkakaunahan sa pagtayo…

Pero ‘yung iba naman, parang high school bulakbol  na nag-uusap pa kung saan sila daraan para hindi mahalatang hindi na sila babalik sabay hagikhik.

Mga BULAKBOL!

Ngayon magtataka pa ba tayo kung bakit hindi naipapasa ang mahahalagang batas na dapat sana’y tunay na makatutulong sa sinasabing ‘daang matuwid’ ni Noynoy?!

Sabi nga ni Pascual Racuyal, mas maigi pang gawing piggery ang Batasang Pambansa dahil pagkatapos ng anim na buwan siguradong may kita ang bayan.

Kaysa nga naman Kamara na puno ng mga bulakbol na mambabatas kaya walang maipasang masustansiyang batas bilang proteksiyon laban sa korupsiyon. 

Sayang, wala na si Racuyal…pwede siguro siyang kuning running mate nina Mar Roxas at Jojo Binay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *