Wednesday , November 20 2024

Iba talaga ang talentong Pinoy!

david fosterKAMAKALAWA ng gabi ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na mapanood ang HITMAN David Foster & Friends Asia Tour 2015 sa Araneta Coliseum.

Itinampok ng henyong singer, composer, songwriter ang mahuhusay na Filipinong mang-aawit na pinangungunahan ni Charice, Gerphil Flores at X-Factor Finalist Mark Mabasa.

Kasama rin nila sina Natalie Cole,  Boyz II Men, at ang Amercian Idol winner na si Ruben Studdard.

Lahat sila ay magagaling. May kanya-kanyang timbre at katangian ang boses. Pero ang nakatutuwa, noong kumanta si Charice, talaga namang iba ang ‘power’ ng kanyang  boses.

Umugong hanggang lumakas ang palakpakan at sa huli ay iginawad sa kanya ang standing ovation matapos itanghal ang mga awiting Through the fire, Lay me down, I will always love you at sa encore ay Bukas na lang kita mamahalin.

Nang mapanood at mapakinggan nang personal ng inyong lingkod ang performance nina Charice, Gerphil at Mark, lalo tayong nakombinsi na iba talaga ang talento ng mga Pinoy.

Lalo nang sabihin ni David Foster na bilib siya sa  husay ng mga Pinoy sa pag-awit.

At natutuwa siya na nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama si Charice sa kanyang mga concert at show.

Mababang loob din na sinabi ni Foster, na kahit wala siya, ay hindi malayong sumikat sa buong mundo si Charice dahil sa kanyang husay sa pagkanta.

At dahil na rin kina Ellen DeGeneres  at Orpha na walang sawang nagpakita ng suporta sa batang singer.

Bukod kay Charice, nagbigay din ng makulay na performance  sina Gerphil Flores at X-Factor Phils. Finalist Mark Mabasa at iba pang random Filipino guests from the audience.

All praises talaga si Mr. Foster dahil sa kakaibang talent ng mga PINOY!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *