Saturday , November 23 2024

Mar Roxas tuluyan nang binasted ni Sen. Grace Poe?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMAY kasabihan, pagdating daw sa poder, estado at salapi, ang mga coño ay parang demonyo.

Paniwalaan-dili…

Pero kung pagbabatayan ang pahayag ni Senadora Grace Poe kamakalawa, mukhang ganito ang nararanasan niya ngayon sa mga coño na namamayani sa politika.

Dahil sa kanyang taglay na popularismo, marami ang nanliligaw sa kanya para sumama sa kanilang partido sa 2016 elections.

Siyempre malaking hatak nga naman sa buong partido at sa isang kandidatong walang dating sa botante ang isang Grace Poe.

Una nang tinanggihan ni Sen. Poe si Vice President Jejomar “Jojo” Binay (kahit hindi siya coño), habang sa kanyang pahayag kahapon ay tahasang sinabi ng anak ni FPJ na natutuwa naman siya at inimbitahan nga siya ni Secretary Mar bilang bise presidente, pero nalulungkot at desmayado rin siya dahil mula rin sa daw kanilang kampo ang mga naglulunsad ng demolition job laban sa kanya.

Hindi niya tuloy maramdaman kung malinis ba talaga ang hangarin sa kanya ng mga nag-aalok o kasabay nito ay bina-blackmail siya — para magdesisyong sumama sa kanila o umayaw nang tuluyan sa politika.

Dagdag na kasabihan: Ayaw ng mga coño ng mga sinvuergenza, matigas ang ulo at mga babaeng marunong pumosisyon.

Kumbaga, kung hindi makukuha si Sen. Grace sa santong dasalan man o sa santong paspasan, mas mabuti pang ‘wag nang pakinabangan ng ibang politiko ang kanyang popularismo.

Wawasakin siya ng mga coño hanggang ang kanyang popularismo ay maging isang haka-haka at hindi isang phenomena.

At mukhang mulat si Sen. Grace sa ganitong sitwasyon  kaya nga ang sabi niya, sasagot siya sa tamang panahon dahil ayaw naman daw niyang mapunta sa isang ‘Frankie.’

As in political Frankenstein ba ‘yan?!

O si ‘Frankie’ ng Eat Bulaga Aldub?

Sa ipinakikitang tikas ni Senadora Grace sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng pinasok niyang larangan sa politika, nagiging lalo siyang kahanga-hanga sa madla.

Pero sabi nga, mas tuso ang mga beterano sa pamomolitika.

Hindi natin alam kung gaano ‘kakapal’ ang sikmura ni Sen. Grace para matagalan ang iba’t ibang uri ng ‘hazing’ sa politika.

Kung sakali man na malampasan ni Sen. Grace ang lahat, manatili kaya siyang Grace Poe na anak nina Panday at Inday?!

O siya’y maihahanay na rin sa mga political Frankenstein na nilikha, ng una’y paghahangad  na makapaglingkod sa madla pero nang lumaon ay paghahangad na lang sa kapangyarihang taglay nito na dinadaluyan nang katakot-takot na pansariling provecho?

Kwidaw, Madam Senator!

NAIA transport solicitors behave kay AGM Jesus Descanzo!

NAGKAROON pala ng chilling effect sa mga tauhan ng transport sa NAIA ang naisulat natin hinggil sa ginagawa umanong ‘pagkalkal’ sa mga nakahimlay nang ‘bad records’ ng ilang taga-transport services sa NAIA.

Sa pahayag ng ilang mga ‘solicitor’ at ‘commissioner’ ng mga transport concessionaire, lubhang nag-iingat na anila sila ngayon sa kanilang kilos at pakikitungo sa mga pasahero.

Anila, baka umano bigla na lamang silang ‘damputin’ na parang basura sa arrival curbside sakaling magkamali ng pananalita at kilos sa kanilang trabaho.

Sa puntong ito, mukhang mas madali palang ayusin ang hanay ng mga tauhan ng transport group sa NAIA kung ang gagamitin ay media network tulad ng ating ginawang pag-e-expose?

 At least ay ‘di na masyadong mahihirapan si MIAA Asst. General Manager for Security and Emergency Services (AGMSES), ret. General Jesus Descanzo para sa information dissemination. O, ‘di ba, Sir?

Basta ang importante ay maging smooth sailing ang takbo ng buhay sa hanay ng transportation sector ng NAIA ay walang problema ang mga personnel nito kay General Descanzo.

Aprub!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *