Sex-videoke clubs sa Batangas-Avenida (Paging: NBI-ANTHRAD & CIDG WACCU)
Jerry Yap
August 18, 2015
Opinion
WALANG takot kung bumandera ang mga KTV bar/club cum pokpokan sa Batangas St., at Avenida Rizal hanggang C.M. Recto sa Sta. Cruz, Maynila.
‘Yan po ang ipinaabot na impormasyon sa inyong lingkod ng mga impormante natin sa area na ‘yan.
Simple lang ang modus operandi nitong mga beteranong bugaw at KTV club operator.
Dahil matunog at bistado na ang raket ng RAFFSTAR (all the way club) ‘e biglang nagtayo ng KUBO in the City KTV Videoke bar kuno.
Pero sa totoo lang, konektado rin daw ito sa Raffstar.
Kumbaga, front lang ang Kubo in the City videoke ng Raffstar. Namumunini raw kasi ang ‘bentahan ng laman’ diyan sa Rafstar.
Nawala kunwari ang Prinsesa at Raffstar pero buhay na buhay naman ang Kubo in the City.
Ayon pa sa ating impormante, hindi raw makapalag ang Manila Police District (MPD) sa pokopokan club na ‘to dahil isang sipsip-higop na nagpapakilalang beteranong ‘mangongotong sa Divisoria’ ‘este’ reporter ang tong-pats sa nasabing videoke bar cum pokpokan.
Prontada raw kung magsalita ang nagpapakilalang beteranong vendor mangongotong ‘este reporter, na siya ang naglalakad ng papeles ng nasabing videoke bar cum pokpokan sa Manila City Hall at ‘pato’ rin kuno sa MPD HQ.
Ang lakas mo pala kay Yorme Erap, beteranong boy tongpats!
Kung inaakala ninyong ‘videoke’ lang ang gimik ng “Kubo in the City” ‘e nagkakamali po kayo.
Bukod sa Raffstar KTV ay konektado rin ito sa mga ‘serbisyong’ ibinibigay ng mga katabi nilang sex-videoke club gaya ng AMBISYOSO, M2M at KING AND QUEEN.
“Kubo in the City” daw ang ginamit na pangalan na ang ibig sabihin ay hindi na kailangan pang dumayo sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Marilao, Bocaue, Balagtas at Guiguinto para lang makatikim ng kakaibang luto ng mga kubo-kubo roon.
Parang bargain umano ang presyo ng mga bebot na menor de edad para sa serbisyong ibibigay nila sa parokyano.
Ang sabi nga raw ng mga kalabang KTV, bakit sila topless lang, sa “Kubo in the City” pwedeng all the way ang hubaran?!
Ang sabi naman ng beteranong tongpats este reporter, “S’yempre hawak ko ito ‘e.”
National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division at CIDG – Women and Children’s Complaint Unit (WACCU), pwede bang kayo na ang humataw sa mga club na ‘yan?!
Cebu Pacific at HSBC online booking, palpak!!!
DAPAT mag-ingat ang publiko sa ilang online transactions lalo na sa booking sales online ticketing ng Cebu Pacific.
Isang Bulabog boy natin ang nakaranas ng sobrang pahirap sa kanyang biniling Cebupac ticket thru HSBC credit card.
Biglaan ang biyahe ng ating kabulabog para umabot sa huling gabi ng lamay ng isang kaanak niya kaya naisipan niyang sa pamamagitan ng kanyang HSBC credit card ay mag-book online sa Cebupac para sa kanyang flight schedule.
Dahil hindi naman peak season, madali siyang nakakuha ng kanyang flight confirmation at itinerary sa Zamboanga city kinabukasan.
Maagang nag-empake ng gamit n’ya at pumunta sa airport, sumunod sa mahabang pila sa Cebupac check-in counter.
Eto na ang matindi, pagdating sa counter ay sinabihan siya ng Cebupac ground staff na may problema ang kanyang airline ticket.
What the fact!?
Ang dahilan daw ay hindi pa raw bayad ang naturang booking dahil hindi naiproseso ng HSBC CREDIT CARD?!
Agad namang tinawagan ng nanlumong pasahero ang HSBC para magreklamo pero iginiit sa kanya na maayos ang online transaction na ginawa niya kaya nga mayroon siyang flight confirmation.
Pero pinandigan pa rin ng Cebupac na hindi bayad ang nasabing ticket at walang reservation sa kanyang flight.
Todo pakiusap ang pasahero na pasakayin na siya para naman kahit sa huling sandali ay masulyapan man lang niya ang namayapang ama.
Pero no way pa rin sa Cebupac!
Ngayon, sino ang dapat sisihin sa kapalpakan at kapabayaan na ito sa kanyang ticket!?
Ilang pasahero na kaya ang nabiktima nang ganyan klaseng kapalpakan!?
Magtuturuan na lang ba ang Cebupac at HSBC sa kapalapakang gaya nito?!
Bweeseeet!!!
Para saan ang bagong pay codes sa Immigration?
Wala na yatang masyadong trabaho riyan sa Admin Division ng Bureau of Immigration kaya kung ano-anong pakulong Memo na lang ang naiisipan!?
Kamakailan, may ipinalabas na Memorandum si BFF ni Ferdie Sampol na si Immigration Admin head Jonjon ‘mason’ Gevero na gagawin nang Pay Codes instead na dating Pay Rates, which is more convenient and most of all transparent ang Overtime Pay sa Bureau.
What is this for, Mr. Gevero? Ito ba ay para itago ang ibibigay na OT pay sa employees?
Mukhang may plano kayo na gawing sikreto ang bigayan ng OT pay!?
‘Yung mga very close at loyal kay Immigration Commissioner Fred “US immigrant” Mison ay bibigyan ng magandang rate at ‘yun namang hindi niya BFF o mga pasaway ay hindi parehas ang ibibigay?
Tama ba ‘yang analysis na ‘yan, Atty. Mahadera ‘este’ Madera?
I smell something fishy on this, Mr. Admin Chief Jonjon!
Ang isa pa, medyo nakalilito ang bagay na ito para sa mga staff na in-charge sa paggawa ng accomplishment reports.
Gaya lang sa airport, kadalasan, CAs lang or JOs ang gumagawa ng accomplishment reports at OTs nila so hindi kaya sila malito dahil hindi naman ito ang nakagawian nila?
It would take a lot of time bago ma-perfect ang gusto mong sistema. Kaya mas mabuti siguro kung esep-esep na lang ng ibang papogi, Mr. Admin Chief!
Anyway, matagal ka nang pogi sa paningin ni Pabebe boy!!!
Pritil Market vendors at stall owners nangangamba na!
SIR, mainit na po ang usapan ngayon dito sa aming mga stall owners at vendors na nalalapit na po ang KALBARYO nmin dahil susunod na raw po ang Pritil Market na ibebenta ng city hall sa isang pribadong kompanya para ayusin kuno ang aming palengke. Maugong din po na malaking halaga ang gugulong para magkapirmahan na Sir. Mula raw sa market master kay madam Loida na matagal nang nakikinabang diyan sa amin ‘e magkakaroon ng goodwill kasama ang ilang opisyal sa city hall na nagsusulong ng privatization kuno.
Sana naman maramdaman namin ang suporta sa amin ni CONG. ATONG at KONSEHAL ASILO Txt from PRITIL VEGETABLE VENDOR. #+63919559 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com