BONGGANG-BONGGA ang kampanya ni newly appointed Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na NO BIOMETRICS, NO BOTO.
At dahil marami tayong mga kababayan na naniniwalang sagrado ang kanilang boto at kailangan nilang makilahok sa eleksiyon, agad silang pumila sa mga designated places kung saan maipoproseso ang kanilang biometrics.
‘Yan ang Pinoy ‘e.
Ito ngayon ang siste. Nang kukunin na nila ang kanilang voter’s identification (ID) card, wala pa raw.
Ganoon din po ang personal na karanasan ng inyong lingkod.
Akala natin, komo biometrics na, madali nang makuha ang voter’s ID.
HINDI RIN PALA!
Mantakin ninyo, ilang taon at election na akong bumoboto nang walang voter’s ID?!