Saturday , January 11 2025

Comelec No Bio, No Boto totoo kaya o drawing lang?

00 Bulabugin jerry yap jsyBONGGANG-BONGGA ang kampanya ni newly appointed Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na NO BIOMETRICS, NO BOTO.

At dahil marami tayong mga kababayan na naniniwalang sagrado ang kanilang boto at kailangan nilang makilahok sa eleksiyon, agad silang pumila sa mga designated places kung saan maipoproseso ang kanilang biometrics.

‘Yan ang Pinoy ‘e.

Ito ngayon ang siste. Nang kukunin na nila ang kanilang voter’s identification (ID) card, wala pa raw.

Ganoon din po ang personal na karanasan ng inyong lingkod.

Akala natin, komo biometrics na, madali nang makuha ang voter’s ID.

HINDI RIN PALA!

Mantakin ninyo, ilang taon at election na akong bumoboto nang walang voter’s ID?!

Tsk tsk tsk…

Mabilis lang ba talaga ang mga taga-Comelec kapag may pagkakakitaan?!

Pero kapag BACKLOG, ibinabaon na sa limot?!

Akala natin iba si Chairman Bautista kay Sixtong Brillantes?!

Mala-mala rin pala…

Mala-papogi rin pala!  

BI-NAIA T3 TCEU sumabit sa pamamasahero

Instant celebrity raw ngayon sa T-3 ng NAIA ang isang Immigration TCEU (Travel Control & Enforcement Unit) member Vienne Liwag matapos mabalikan (A-TO-A) ng pasahero na kanyang pinalabas.

Buti naman daw at nabuking na ang ganitong mga activities ng TCEU member na notorious daw talaga sa pamamasahero.

Minsan daw ay siya pa mismo ang tumutulong mag-fill-up ng VCQ form para sa kanyang pasahero para mas madaling i-justify na may capacity to travel ang kanyang pax?!

Aba, ibang klase pala!

IO na, TCEU-offloader na at siya pa ang taga fill-up ng VCQ!

Jack of All Trades palang matatawag si TCEU Liwag!?

Hanep ka bata!

Gusto mo pa yatang talunin si Rico Baby?!

Minsan pa nga raw, may nangyari na isang Pinay na Anselma Nava Concepcion ang kanya mismong hinuli nang mabubuking na kanya palang pasahero.

Pakengsyet!!!

Ang lupit mo, teh!

Ang balita natin, anak daw pala ng mistah ni BI Comm. Fred ‘pabebe’ Mison itong si TCEU Liwag kaya medyo alalay lang daw ang paggagawa ng report against her!?

Aware ka ba rito, Atty. Roy Ledesma?

May nagsasabi na ire-recall lang daw sa BI main office itong si TCEU Liwag at hindi gaya ng ibang mga nabulilyaso na IO na deretso agad sa Taganak o sa Batuganding.

Obviously, inspite of the nationwide rotation na pakulo ‘este’ program ni Comm. Fred ‘valerie’ Mison, napapansin pa rin na hindi naman nawawala ang palusutan ng mga pasahero o sinasabing human trafficking sa airport.

Marami pa rin daw ang nakakalusot na mga profiled passengers diyan sa T-1, T-2 and T-3?

Tama ba Atty. Floro ‘libanan’ Balato!?

Wala rin silbi ang paglalagay ng mga tsu-tsu-wariwap na mga heads of operations para mabantayan ang mga nagpapalusot sa airport!

‘Di ba tama naman, Bisor Rico Pedrealba?

Reklamo ng mga residente mga dayong tulak Sa Hermosa Tondo

SIR reklamo lang po namin dito sa aming lugar sa Hermosa St., Tondo. INIISTAMBA-YAN ng mga TULAK ng droga, boundary po kmi ng CALOOCAN-MNLA. Sir bakit kaya po malakas loob nila tumatawid po dto ang mga tulak ng Caloocan pati mga pulis Caloocan. Na-tatakot po kming mga resdente n bka madamay po kmi at aming pamilya. May ugnayan nman po ang aming brgy sa presinto-7 kaya po ang mga pusher na kalugar nmin ay nahuli na pero pinammugaran nman po ngayn ng mga taga-Caloocan. Lalo na po ang mga kubol dto ng VK ni Tata Negro, Ber sagasa at TAYGURO ang may-ari. Sana maiparating po sa kinuukulan. – concerned Hermosa resident. +63918303 – – –

Ask force kotong pa-more sa Maynila

BOSS Jerry kinuha lahat ng grupong Task Force Organize Vending ang kabuhayan d2sSa Maynila. Vendor po kami na nangutang lang ng puhunan sa 5-6 pero kaliwa’t kanan po ang kotong sa amin lalo na ng ask force kotong. Kasumpa-sumpa po sila Erap sa Maynila. ‘Wag silang umasa na mkakakuha ng boto sa aming vendors. Sa 2016 ipapramdam nmin ang tunay na pgmamahal kay MAYOR LIM dito sa Divisoria sir. Ang kampanya #300kTAMBAKANsiERAP2016 dahil ‘yan po ang lingguhan nila pra sa ask force. +63915629 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *