Wednesday , November 20 2024

BI-NAIA T3 TCEU sumabit sa pamamasahero

TCEUInstant celebrity raw ngayon sa T-3 ng NAIA ang isang Immigration TCEU (Travel Control & Enforcement Unit) member Vienne Liwag matapos mabalikan (A-TO-A) ng pasahero na kanyang pinalabas.

Buti naman daw at nabuking na ang ganitong mga activities ng TCEU member na notorious daw talaga sa pamamasahero.

Minsan daw ay siya pa mismo ang tumutulong mag-fill-up ng VCQ form para sa kanyang pasahero para mas madaling i-justify na may capacity to travel ang kanyang pax?!

Aba, ibang klase pala!

IO na, TCEU-offloader na at siya pa ang taga fill-up ng VCQ!

Jack of All Trades palang matatawag si TCEU Liwag!?

Hanep ka bata!

Gusto mo pa yatang talunin si Rico Baby?!

Minsan pa nga raw, may nangyari na isang Pinay na Anselma Nava Concepcion ang kanya mismong hinuli nang mabubuking na kanya palang pasahero.

Pakengsyet!!!

Ang lupit mo, teh!

Ang balita natin, anak daw pala ng mistah ni BI Comm. Fred ‘pabebe’ Mison itong si TCEU Liwag kaya medyo alalay lang daw ang paggagawa ng report against her!?

Aware ka ba rito, Atty. Roy Ledesma?

May nagsasabi na ire-recall lang daw sa BI main office itong si TCEU Liwag at hindi gaya ng ibang mga nabulilyaso na IO na deretso agad sa Taganak o sa Batuganding.

Obviously, inspite of the nationwide rotation na pakulo ‘este’ program ni Comm. Fred ‘valerie’ Mison, napapansin pa rin na hindi naman nawawala ang palusutan ng mga pasahero o sinasabing human trafficking sa airport.

Marami pa rin daw ang nakakalusot na mga profiled passengers diyan sa T-1, T-2 and T-3?

Tama ba Atty. Floro ‘libanan’ Balato!?

Wala rin silbi ang paglalagay ng mga tsu-tsu-wariwap na mga heads of operations para mabantayan ang mga nagpapalusot sa airport!

‘Di ba tama naman, Bisor Rico Pedrealba?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *